|
|
| Mark, madalas tumambay sa bahay ni Jen!![]() Author: Rey Pumaloy MALAKI ang posibilidad na magkabalikan sina Mark Herras at Jennylyn Mercado. May mga senyales kaming nasisilip na unti-unti ay muling nagkakalapit ang loob ng dalawa. Sabi nga, tila mas lumalalim pa ang samahan nina Jen at Mark ngayun. Madalas na ngang nakikita si Mark na dumadalaw sa mismong bahay ni Jen ngayon. At nung nagpunta sa Dubai ang dalawa para sa isang show, nag-effort daw talaga si Mark na daanan si Jen sa bahay nito para sabay na silang magpunta sa airport. Kung tutuusin, puwede namang mauna si Mark sa airport at doon na lang sila magkita. Pero, nagtiyaga raw talaga si Mark na puntahan si Jen para sabay na sila sa isang sasakyan. Nang makatsikahan namin si Jen kamakailan tungkol sa ginagawa sa kanya ni Mark, pilit niyang iniiba ang usapan. Panay ang iwas niya na pag-usapan si Mark. Pero, iginiit niya na walang masama sa ginagawa sa kanya ni Mark, lalo na 'yung pagi-effort nito na daanan siya sa bahay nila at sabay silang magpunta sa airport. Unang-una, sabay raw naman silang sasakay sa eroplano. At magkaibigan naman silang dalawa. Tinanong din namin si Jen kung may posibilidad na magkabalikan sila ni Mark. Sagot lang niya, ayaw niyang magsalita nang patapos. Parang sinasabi nga ni Jen na may tsansa pa na muling magliyab ang pagmamahalan nilang dalawa ni Mark. Anyway, hanggang doon na lang daw ang puwedeng sabihin ni Jen tungkol sa sitwasyon nila ni Mark. Pero, nagpapasalamat siya sa magandang pakikitungo sa kanya ni Mark ngayon. Nakiusap na rin si Jen na huwag na silang intrigahin ni Mark. Ayaw nga ni Jen na madamay si Mark sa intriga sa kanila ni Patrick Garcia. Anyway, iginiit ni Jen na wala muna sa isip niya ang lalaki ngayon. Pero, okey lang daw sa kanya na magpaligaw sa ngayon. “Magpi-feeling maganda muna ako ngayon. Gusto ko na lang munang magpaligaw Maranasan ko man lang 'yung maligawan ulit ako ngayon, okey na `yon,” sabi niya. Siyanga pala, itinuwid ni Jen ang impresyon ng marami na sasabak na siya sa paghuhubad ngayon. “Sexy lang, pero hindi talaga super-sexy. Siguro, ang tamang term ay mature roles.” Malabo raw na magpakita siya ng katawan ngayon, dahil puno pa raw ng malalaking kamot ang kanyang tiyan, dahil nga sa kanyang pagbubuntis at panganganak. Kahit sa mga kaibigan niya ay hindi raw niya ipinakikita ang kanyang tiyan, dahil sa mga naiwang marka. Anyway, palabas na bukas ang One Night Only, na kung saan ay bida si Jen, kasama sina Katrina Halili, Alessandra de Rossi, at Valerie Concepcion. Source: Abante |