|
|
| Mark, nag-enjoy sa galing ni Jennylyn!![]() Author: Ruel Mendoza MALAKI na raw ang napansin ni Mark Herras na pagbabago sa pag-arte ni Jennylyn Mercado. Sabi nga ni Mark, mas mature na raw ang approach ni Jennylyn pagdating sa pag-arte. Mas lalong gumaling daw si Jen ngayon dahil nakatulong daw ang mga nangyari sa buhay nito kamakailan, kaya mas nag-enjoy siyang katrabaho ito. “Napansin ko nga na mas malalim na ngayon ang pag-arte ni Jen. Kapag may eksena kaming iyakan, mabilis na siyang makaluha. Hindi na siya nahihirapan. As always, mas magaling pa rin si Jen umarte kesa sa akin,” pabirong sabi pa ni Mark. Hindi raw mahirap na pagawain ng mahihirap na eksena sina Mark at Jennylyn ngayon. Mas nakatutok na raw kasi ang dalawa sa trabaho ngayon. Kung noon daw na may relasyon sina Mark at Jen, hirap ang mga tao sa paligid nila na ayusin sila sa taping or shooting dahil nananaig ang mga emosyon nila, lalo na kapag may lover's quarrel sila noon. “Mas nakakaarte na kami ng tama ngayon! Ha! Ha! Ha! Ha!” natatawang sabi ni Mark. “Noon kasi, kapag may tampuhan kami, hindi kami mapaarte ng maayos. Nag-aaway kami kaya may isang ayaw magtrabaho ng tama tapos may isang nang-aasar pa. “Malaki ang problema ng staff sa amin kasi mga bata pa kami noon kaya ang hirap naming sumunod. Pasaway talaga kami ni Jen noon kapag nag-aaway kami. Pati trabaho namin ay apektado. “Ngayon, tapos na 'yon dahil nag-mature na kami ni Jen. At saka may kanya-kanya na kaming buhay ngayon kaya 'yung makatrabaho na lang namin ang isa't isa ay malaking bagay na for us.” Sa taping nga nila sa Heritage Park sa may C5 in Taguig, maayos ang naging mga eksena nina Mark at Jennylyn at gusto nga nilang kiligin muli ang kanilang mga tagahanga. “Ayaw naming bitinin pa ang mga fans! “Alam namin na matagal nila kaming hinintay na magkasama ulit kaya isang magandang istorya ang hinanda ng GMA sa Dear Friend para sa amin ni Jen.” Kinumpirma nga ni Mark na isa siya sa mga ninong ng baby ni Jen na si Alex Jazz. Buntis pa lang daw si Jen ay nag-volunteer na si Mark na maging ninong na hindi naman tinanggihan ni Jen. Source: Abante |