Nov 23
HomeLoginBrowseNewsTV SchedulePreferenceHelp
 

Mark, nawala ang hiya kay Marian!

Mark, nawala ang hiya kay Marian!

Author: Ruel Mendoza

NAKAPAG-TAPING na nga sina Mark Anthony Fernandez at Marian Rivera para sa Darna ng GMA 7. Sabi ni Mark, nawala na raw ang hiya niya kay Marian.

“Kailangan kasi may ma-establish kaming chemistry, eh. Nagkakausap na kami ni Ma­rian at nakakatuwa siyang kasama. Nakakapagkuwentuhan na rin kami ngayon,” nakangiting sabi ni Mark.

Ipinagdarasal nga ni Mark na maging successful ang tambalan nila ni Ma­rian. Na kahit daw walang love angle ay kagatin pa rin ng maraming tao.

“Hindi ko naman habol ang mga love angle, 'di ba? Happily married akong tao. 'Yung magandang samahan na lang namin bilang partners sa series ang dapat makita ng mga manonood.

“Iba na ang nagawa ng team-up nila ni Dingdong (Dantes), eh. Phenomenal na iyon. Mahirap nang pantayan. Gusto ko lang ay 'yung abangan din kami ni Marian ng maraming manonood,” sambit pa ni Mark.

Sabi pa rin ni Mark, napakasuwerte raw niya na kahit marami raw puwedeng piliin para maging leading man ni Marian, sa kanya napunta ang role.

“Ang ganda ng tinatakbo ng career ko ngayon. Kaya ayokong ma-miss ang bawat opportunity ngayon.

“Pinagkakatiwalaan tayo kaya pinapakita ko rin na gustung-gusto ko ito.

Lalo na itong Darna, ang dami nang nag-aabang para rito,” say na lang ni Mark.

Source: Abante