Nov 24
HomeLoginBrowseNewsTV SchedulePreferenceHelp
 

Mark on 2nd romance with Jennylyn: 'Time will tell'

Author: Fidel Jimenez
Column: Entertainment

Muling magbabalik ang tambalan nina Mark Herras at Jennylyn Mercado sa GMA's "Dear Friend." Ang tanong ng marami ay kung may pag-asa bang umusbong muli ang pagmamahalan nila sa isa't isa.

"Hindi natin masasabi. Pero ngayon kasi naka-focus kami sa trabaho. And ako wala pa kong panahon sa mga ganun," anang bagong panganak na si Jen sa Chika Minute portion ng GMA news' 24 Oras nitong Biyernes.

Ayon naman kay Mark, ang mahalaga sa kanya ngayon ay maging maganda ang pagbabalik sa showbiz ng dating nobya na si Jen.

"Parang gusto ko lang mangyari maging maganda ang pagbabalik ni Jen sa showbiz. Ayoko munang mag-isip na si Jen ligawan ulit. O kami ulit kasi gusto ng mga fans, dahil gusto ng mga tao," paliwanag ng binata.

"Syempre hindi naman ganun kadali yun. If ever depende sa panahon, pwedeng Oo, pwedeng hindi," idinagdag niya.

Dahil ilang buwan pa lang mula nang manganak, sinabi naman ni Jen na nami-miss na nya kaagad ang kanyang baby nang magbalik na siya sa trabaho.

"Parang gusto kong umuwi kaagad. 'Pag lumalabas ako, lagi kong nami-miss yung...parang sige na uwi na 'ko, nami-miss na yung baby ko," kwento ni Jen.

Tuloy-tuloy na nga ang pagbabalik showbiz ni Jen at mapapanood sa Linggo pagkatapos ng "SOP" ang two-part episode nila ni Mark sa "Dear Friend." Sa storya, magkakakilala ang kanilang mga karakter sa sementeryo at dito magsisimulang magkaibigan ang kanilang mga karakter.

Sa mga nakapanood sa taping, iisa ang comment ng mga nakakita kina Mark at Jen - iba pa rin daw ang chemistry ng original love team ng dalawa.

"Masarap yun feeling...marami kasing naka-miss ng love team at the same time working with Jen again after a very long time talagang nakaka-miss," ayon kay Mark.

"Masaya kasi ang tagal naming hindi nagkasama," sambit ni Jen. "Magkaibigan naman kami ni Mark so talagang yung chemistry pa rin nandoon pa rin. Kasi yung lalo na pagdating sa trabaho yung ang gaang ng pakiramdam."

Tinitiyak nina Jen at Mark na masisiyasahan ang kanilang mga tagahanga sa muli nilang pagsasama sa "Dear Friend."

"Makikita nila lahat masaya, malungkot, may kilig ganun," dagdag pa ni Jen.

Source: GMANews