|
|
| Mark prefers playboy tagAuthor: Rowena Agilada AYAW pa rin tigilan ng intriga si Mark Herras at may mga ispekulasyon na kaya siya namamayat ay dahil nagda-drugs siya. Isyu pa rin sa kanya ang pambababae at ang madalas na pagtambay sa mga bar. "Yung pambababae, natural na 'yon sa akin (laughs). During the Starstruck 1 competition pa, isyu na 'yon sa akin na babaero raw ako. Okey lang, kesa naman ma-tsismis na nanlalalake ako. "Ang ayoko ay 'yung sinasabing nagda-drugs daw ako. Dahil ba namamayat ako, iniisip na ng ibang tao na may masama akong bisyo? Walang dahilan para pasukin ko ang gano'ng bisyo dahil alam kong hindi 'yun makakabuti sa akin," pahayag ni Mark sa presscon ng "My Only Love," pinakabagong serye ng "Sine Novela Presents" ng GMA-7 na mapapanood starting Monday (Nov. 12) after "Pasan Ko Ang Daigdig" sa Dramarama sa Hapon. Itinanggi rin niyang madalas siyang tumambay sa mga bar. Paano raw mangyayari 'yon, eh, super busy siya sa trabaho? Aniya, kesa tumambay siya sa ganoong lugar, matutulog na lang siya sa bahay. Ayon kay Mark, namamayat siya dahil sa rami ng kanyang trabaho. Mas mabuti na raw 'yung namamayat dahil sa trabaho at hindi dahil nagda-drugs siya. Bukod sa taping ng "My Only Love," nagte-training pa si Mark ng muay thai para sa sisimulan niyang bagong prime time teleserye, "Joaquin Burdado" kung saan kapatid ni Robin Padilla ang kanyang role. Soon ay mag-uumpisa na ang taping at early next year ang airing nito. Pinatay na ang character ni Mark sa "La Vendetta" dahil isasama siya sa "Joaquin Burdado" na sila pa rin ni Jennylyn Mercado ang magkasama. Final episode naman ng "Fantastic Man" this Saturday (Nov. 10) na si Ryza Cenon ang kapartner niya. Si Rhian Ramos naman ang love interest ni Mark sa "My Only Love" na aniya, nag-e-experiment ang GMA na iba't iba ang kanyang kapareha. Okey naman ang working relationship nila, ani Mark. No dull moment with her. About his lovelife, eight months na ang relasyon nila ni Lian ng EB Babes. "I'm proud of her. Nakakatulong siya sa trabaho ko dahil very supportive siya. Hindi ako napi-pressure at naiintindihan niya ang trabaho ko," ani Mark. Source: Tempo |