Nov 23
HomeLoginBrowseNewsTV SchedulePreferenceHelp
 

Marky, ililibing sa hardin

Author: Nitz Miralles

NAG-IYAKAN ang mga taga-StarStrucksa nangyari kay Marky Cielo kahit 'yung hindi nito ka-batch dahil kilala nila itong tahimik, mabait na anak at seryoso sa trabaho. Nagpuntahan agad sila sa burol nito last Sunday night. Naguluhan lang kami dahil ang unang balita, sa St. Peter Memorial Chapel ang burol ni Marky, pero kahapon, ang sabi, sa bahay na nito sa Sta. Isabel, Mission Hills sa Antipolo, ang burol. Hanggang Tuesday evening lang ibuburol dito ang labi ng young actor.

Isa sa naapektuhan nang husto ay si Mark Herras, na iyak nang iyak. Tumatayo itong kuya ng mga taga-StarStruck. Nasa Dubai ito kasama si Jennylyn Mercado para sa GMA Pinoy TV nang malaman ang nangyari sa kaibigan.

Gustuhin man ni Mark na agad umuwi ay hindi puwede at kailangang tapusin nila ni Jennylyn ang event. Wish nito ay hindi pa naililibing si Marky sa kanyang pagbabalik para madalaw man lang ang labi nito. Laging magkasama ang dalawa sa dance number nila sa SOP.

* * *

TSIKA ng isang kaibigang nagpunta sa unang gabi ng burol ni Marky, sa garden sa likod ng bahay ng mga Cielo sa Mountain Province ililibing ang StarStruck discovery.

Ito raw ay ayon sa kuwento ng madir ng yumaong aktor na si Mildred.

Nu'ng unang gabi, kasama sina Mike Tan (best friend ni Marky), Rainier Castillo, Jackie Rice, LJ Reyes, Aljur Abrenica at Rhea Nakpil sa StarStruck talents na nakitang humahagulgol sa harap ng kabaong ni Marky.

Tsika pa ng aming source, may black spots siyang nakita sa magkabilang kamay ni Marky at closed neck ang suot nitong undershirt na Amerikana.

Bago pala sumakabilang-buhay ang aktor, ka-text siya ng dating partner na si Glaiza de Castro. Sabi raw ni Glaiza, napanaginipan niya ito at si Rich Asuncion.

Text back naman daw si Marky kay Glaiza at ang sabi: "Bakit kaya maraming nakakapanaginip sa akin? Siguro mamamatay na ako. "

Siyempre, nagulat si Glaiza sa naging sagot ng kaibigan at katrabaho. Pero, clueless siya na ilang araw lang, magiging totoo ang sinabi ni Marky.

Nakakaloka rin ang tsika ng friend naming writer, dahil nang umuwi raw si Marky galing sa paglalaro ng online game sa Station 168 sa T. Morato at 10 p. m. Saturday, bandang hatinggabi raw, nagku-confide na ito ng problema sa mother niya.

Hindi na nga lang binanggit pa ng ina ni Marky kung ano ang problema ng anak, dahil masyado raw personal.

By 1:30 a. m. , dialogue raw ni Marky sa nakababatang kapatid: Mamamatay na siya.

Hindi kami sure kung premonition ang tawag dito, pero nakakikilabot isiping ang mga ito ay binitawan ng aktor ilang araw o oras lamang bago siya binawian ng buhay.

* * *

IPINAKITA na ang plug ng mga bagong show ng GMA-7 para sa 2009. Kabilang dito ang All About Eve, Ang Babaing Hinugot sa Aking Tadyang , Zorroat Bato. Ang apat na shows ay sunud-sunod na mapapanood next year.

Sa About Evesina Sunshine Dizon, Iza Calzado, Jean Garcia, Eula Valdez at Richard Gomez.

Ang lima pa lang ang kasama sa teaser at wala pa ang actor na ipinalit kay Diether Ocampo. Siguro, magre-reshoot at kasama na siya.

Ang cute ng shot na hawak ni Richard ang kamay nina Iza at Sunshine.

Richard Gutierrez pa lang ang ipinakita sa teaser ng at wala pa ang leading lady niya na homegrown talent din ng Channel . Bawal pang sabihin kung sino siya.

May pagka-action naman ang teaser ng Ang Babaing Hinugot sa Aking Tadyangnina Marian Rivera at Dingdong Dantes. Ang ending, nakitang magkatabi na sa kama ang dalawa, sa pelikula, hubad si Vivian Velez sa nasabing eksena, pero sa TV, naka-damit ang actress.

Cute ang teaser ng Totoy Batonina Regine Velasquez at Robin Padilla at teaser pa lang, may kissing scene na sila. Sayang at hindi ipinakita kung lumaki na ang katawan ni Robin.

* * *

HAPPY at sad news ang hatid ng Showbiz Central Sunday, happy sa pagkakapanalo ni Manny Pacquiao at sad dahil sa maagang pagpanaw ni Marky Cielo.

Na-interview si Manny at ibinalitang bukas, Wednesday, na ang balik niya ng bansa na tiyak may hero's welcome sa kanya.

Susunduin lang nito ang tatlong anak at sa Amerika sila magpa-Pasko. Sa Amerika na rin isisilang ni Jinkee Pacquiao ang fourth baby nila.

Magri-relax daw muna siya bago isipin ang sunod na makakalaban.

Nagbanta namang magdedemanda si Direk Deo Fajardo sa isang tabloid at nagsulat tungkol kina Ai-Ai de las Alas at Robin Padilla.

Napangitan si Direk Deo sa insinuation na may nangyari sa dalawa sa shooting ng movie nila before.

Pangit daw kung mabasa ng mga anak ni Ai-Ai at mga anak ni Robin na karamihan ay babae.

Sa reaction ni Ai-Ai sa presscon ng Tanging Ina Iyong Lahat nag-ugat ang isyung ito.

Sunshine Dizon ang sumalang sa at Lie to Me at akala namin, mapi-perfect nito ang score, pero napasayaw pa rin si John Lapus. Si Ogie Alcasid ang guest sa Jury, nag-promote siya ng Desperadas 2at kinanta ang Kita, his song for Regine Velasquez at sagot saAnd I Love You Sona kinanta ng nobya saDivas 4 Divasconcert.

* * *

NGAYONG Tuesday sa 5MAX Movies ng TV5, tampok ang pelikulang Key.

Samahan si Kate Hudson sa pagbukas ng mga misteryosong pinto sa isang lumang mansion.

Pang-Wednesday ang horror pic na Deadat ka-back-to-back nito sa Thursday ang of the Dead.

at ma-in-love sa romantic comedy na Perfect Mansa Friday na tungkol sa isang anak na naghahanap ng perfect guy para sa ina. starring Hillary Duff, Heather Locklear at Chris Noth.

Pang- Saturday ang 50 First Datesnina Drew Barrymore at Adam Sandler na marami ang nagkagusto nang ipalabas.

Sina Jennifer Lopez at Ralph Fiennes naman ang tampok sa in Manhattan, isang nakakakilig at mala-type ng love story.

* * *

SA Luna Mystika, wala nang pakialaman ang kambal na sina Celestina at Luna (Heart Evangelista).

Malalaman ng huli na buhay pa ang ina at pupunta siya sa burol.

Ang ina ng kambal na si Diana (Rita Avila) ay nakita ni Piryang (Mosang) na hinahabol ng bad engkanto.

Mag-aanyong tao si Kamilo (Mark Herras) dahil sa isang misyon.

Magkikita sila ni Celestina at mawi-witness nito ang transformation ng dalaga na kanya ring ikagugulat.

Magpapakita naman si Libado (Aljur Abrenica) kay Malou (Kris Bernal).

Source: People's Tonight