|
|
| Mart naka-first base na kay Jennica GarciaColumn: Daily Insider INAMIN na ni Shaina Magdayao na dumadalaw nga si John Prats sa bahay nila to court her. This doesn't mean though na sasama si John sa Japan kung saan balak gawin ni Shaina ang kanyang 18th birthday this November 6. Ang tatay ni Shaina ang kasama niya at ang pamangkin nito, at baka raw harangin ng tatay si John kung sasama ito, so hindi totoo ang tsismis na makiki-celebrate siya kay Shaina sa Japan just to prove na mahal niya ang dalaga. There is a reason kung bakit hindi agad sinabi ni Shaina na nanliligaw sa kanya si John Prats. Ito naman daw ang nagsabi sa kanya na hindi siya nanliligaw in the normal way of courting. Naramdaman niya na lang. Having said that, hindi pa rin sila mag-on. Marami pang plano si Shaina. Pagbalik niya from her one week stay in Japan, work agad siya. Kasali si Shaina sa Lobo nina Piolo Pascual and Angel Locsin. * * * NAIIYAK pa rin si Jessica Bunevacz sa sweetness ng mister na si David. Nakita namin ang regalo ng asawa ni Jessica na isang brand new grey colored BMW SUV na nakaparada sa labas ng Guilly's. Kung hindi man si Jessica ang nag-grand winner sa Celebrity Duets, mas mahal naman ang natanggap niyang regalo mula sa kanyang asawa. Hindi niya raw akalaing makatatanggap din siya ng prize that finals night kaya every time she mentions his name, naii-yak siya sa tuwa. How lucky she is to have David as her husband. Hindi nga ba't every five years daw ay nangangako si David sa kanya na magpapakasal sila nang paulit-ulit? The last time yata, sa Tagaytay sila nagpagkasal. * * * NAGPAHALIK na si Jennica Garcia kay Mart Escudero. Tonight na ang premiere sa SM Mega Mall ng launching movie nina Jennica and Mart na Hide and Seek from Regal Films. Ang mga manonood na naka-Halloween costume ay may special cash prize na paglalabanan pati ng mga press people. Also starring Eric Quizon, Jean Garcia, Ryan Eigenmann, Valeen Montenegro and Alessandra de Rossi, Hide and Seek is directed by Rahyan Carlos. Now, we don't know kung may kissing scene sila sa movie pero for sure, sa episode mamaya ng kanilang teen show na Boys Nxt Door after the finale of Coke Ride to Fame, may tunay na silang halikan. Alam kaya ito ng kanyang inang si Jean na noong nagkaroon ng publicity sa Impostora na parang naghahalikan sila ay na shock na? Ang manager kaya nilang si Manny Valera na birthday today, alam din ba ito? * * * NAGBABALIK si Chokoleit sa Star Magic. May isang taon ding nagpaalam muna si Chokoleit sa Star Magic ng ABS para magpa-handle sa isang manager. After their contract expired, balik Star Magic ang premyadong stand-up comedian sa talent department ng ABS. Mutual naman daw ang naging desisyon dahil magkaiba ang gusto nila for his career. Outside the country shows ang type ng ex-manager niya, eh, siya ay TV shows. After being re-introduced sa Marina noon, napanood din si Chokoleit sa Bora, Kampanerang Kuba at marami pang ABS shows. Ngayon ay part siya ng Prinsesa ng Ban-yera bilang tsismosa ng ba-yan nina Kristine Hermosa and Angelika Dela Cruz. Ang wish lang namin, magkaayos na rin sana sila ni Gas Gayondato. * * * BARANGAY eleksyon tomorrow, so please consider these two colleagues running sa Pasay and Tondo. One of the wittiest and readable columnist si Ronnie Carrasco III who is also part of GMA's Saturday showbiz talk show Star Talk, is running as Kagawad sa Baranggay 94 in Decena St. ,Pasay at may plataporma siyang POGI (Peace & Order, Governance and Improvement). A staunch supporter of Batangas Gov. Vilma Santos naman si Jimi Escala, long-standing PMPC member and coincidentally, a part of the Sunday showbiz talk show naman ng ABS na The Buzz. Si Jimi (puwede ring Jimmy) is running for Kagawad din para naman sa Barangay 123 Zone 9 sa Tondo, Manila where he always celebrates his party. 'Pag ibinoto ninyo sila, siguradong may boses kayo sa entertainment media. Source: Taliba |