Nov 23
HomeLoginBrowseNewsTV SchedulePreferenceHelp
 

Martin Nievera isinugod sa emergency ward ng Makati Medical Center

Author: Ed De Leon
Column: Dream

ITINAKBO sa emergency ward ng Makati Medical Center si Martin Nievera matapos ang kanilang concert ni Gary Valenciano sa Mall of Asia nitong Sabado ng gabi.

Ibinalita ito sa amin ni Chuck Gomez, PR man ng Gary Valenciano-Martin Ni-evera concert titled As I. De-hydration daw ang dahilan ng pagko-collapse ni Martin right after the concert. Balita pa ni Chuck, nagsuka raw muna si Martin bago nahilo kaya agad nilang isinugod sa hospital.

Habang sinusulat namin ang balitang ito, nakalabas na raw ng Makati Med si Martin at kasalukuyan nang bumabawi ng lakas sa kanilang bahay.

By the way, hindi nakarating si Pops Fernandez sa As 1 concert. Da-pat guest siya sa show pe-ro, dahil sa isang commitment na hindi natanggihan, 'di nakapunta sa MOA si Pops. Pero, nang mabalitaan niyang isi-nugod sa Makati Medical Center ang dating mister, agad siyang nagpunta roon.

* * *

PALAGAY namin, napakalaki nang magagawa ng Lo-vers in Paris para mas mai-baba pa sa masa si KC Concepcion.

Parang iyon lang naman talaga ang kulang kay KC. Hindi siya talaga ma-feel ng masa as of now. Hindi rin si-ya masisisi dahil nasa ma-taas na antas naman talaga ang kanyang buhay, dahil anak nga siya ng Megastar na si Sharon Cuneta at Gabby Concepcion. Hindi naman talaga niya naranasan ang buhay-masa. Pero, pini-li niyang pumasok sa Pinoy showbusiness na pang-ma-sa. Hindi bale kung nanatili na lang siyang isang model, isang commercial endorser o kaya ay isang artista sa legi-timate stage. Pero, dahil pinili nga niyang pasukin ang telebisyon at ang pelikula wala siyang choice kungdi bumaba sa masa.

Kaya nga sinasabi nila noon, tama ang mga ginawa niyang pelikula. Tamang itambal muna siya kay Ri-chard Gutierrez. Hindi rin naman masa ang buhay ni Ri-chard, pero nakuha niya ang grassroots dahil sa roles na ginagawa niya sa mga nauna niyang TV series. Pero, hindi naman puwedeng si Richard lagi ang kanyang kasama, lalo na nga't magkaiba sila ng network. Ngayon, ang leading man niya ay si Piolo Pascual. Marami ang nagsasabing ma-laki ang agwat ng kanilang edad. Kasi nga naman maliit na bata pa si KC noong maging artista iyang si Piolo.

Hindi naman maikakaila ang age gap, pero hindi rin naman maikakaila na naku-kuha ni Piolo ang masa, at siguro nga sa ganyang paraan ay matutulungan din niya si KC na makababa sa level ng karaniwang tao. Iyon din namang kuwento ng Lovers in Paris, nakuha niyan ang masa noong araw at mala-king tulong din iyan sa career ni KC.

* * *

SA kabila ng isang gag order, o isang pagbabawal sa mag-kabilang panig na magsalita ng kahit na ano man tungkol sa kanilang kaso, nagbigay pa rin ng statement sa media ang pamilya ni Nomar Pardo, ang dating alalay ni Richard Gutierrez na namatay sa isang aksidenteng kanilang kinasangkutan.

Sinabi nilang wala silang balak na makipag-ayos kay Richard at gusto nilang ma-tapos ang kanilang kaso hanggang sa kung anuman ang maging desisyon ng hukuman.

Hindi raw totoo na pumapayag na silang tangga-pin ang alok ni Richard na tatlong taong kabuuang suweldo ni Pardo. Pero, nana-natiling tahimik naman ang kampo ni Richard Gutierrez sa mga bagay na iyan. Siyempre, may gag order ang kor-te. Contempt of court ang hindi pagsunod sa mga utos ng korte.

* * *

TNT ang isang dating male star sa U. S.

Dinala siya roon ng isang matrona na inaamin niyang naging girlfriend niya, at si-nabi sa kanyang makakagawa iyon ng paraan para siya maging isang U. S. citizen. Kaso nalaman daw ng matrona ang sinasabi niyang oras na maging U. S. citizen na siya ay hihiwalayan na niya ang matrona. Kaya ang ginawa ng matrona, inunahan na siya. Bigla na lang siyang hi-niwalayan nito sa Amerika.

Ngayon, walang mapuntahan sa U. S. ang male star. Nakikitira na lang siya sa mga kakilala niya sa Amerika at TNT siya ngayon do-on.

Source: Taliba