|
|
| Martin Nievera kay Jomari Yllana! “Don't do what I did to Pops!”![]() Author: Rey Pumaloy MARAMI ang natutuwa at finally ay nagkaayos na sina Pops Fernandez at Martin Nievera. Kasi naman, paulit-ulit na lang 'yang away ng dalawa, ha! Pero, huwag na lang daw lagyan ng kulay ang hindi pagpunta ni Pops sa concert ni Martin. Sabi ni Pops, may nauna na raw kasi siyang showbiz commitment. At siyempre, bagama't hinayang na hinayang si Martin, nauunawaan daw niya si Pops. Pero, happy na rin si Martin, dahil tuloy pa rin ang pagi-guest ng dalawa nilang anak ni Pops, sina Ram at Robin sa concert niya. Sinisikreto muna ni Martin kung ano ang gagawin nina Ram at Robin. Anyway, sa kuwento ni Martin, naging maganda raw ang pag-uusap nila ni Pops. Doon nga lang daw sila nagkita, matapos lumabas ang mga probelema sa pagitan nila. Sabi pa ni Martin, mas nag-focus sila ni Pops na pag-usapan ang tungkol sa kinabukasan ng kanilang mga anak. Kalmado at wala raw tensiyon ang naging pag-uusap nila. Kaya noong mag-duet sila ni Pops sa ASAP last Sunday, naging maganda raw ang resulta. Anyway, wala namang problema kay Martin kung sila naman ni Jomari Yllana, ang boyfriend ni Pops ngayon, ang magkita at mag-usap. Sabi nga ni Martin, itinuturing niyang kaibigan si Jomari, lalo na raw at close sa kanya ang kuya ni Jomari na si Anjo Yllana. Sinisiguro ni Martin na magiging maayos ang pag-uusap nila ni Jomari, kung saka-sakali. Wala nga raw silang problemang dalawa. Unang-una, malinaw naman daw sa kanya na hindi inagaw sa kanya ni Jomari si Pops. Wala na raw sila ni Pops nung pumasok si Jomari sa buhay ni Pops. At ngayon pa lang, pabor si Martin sa relasyon nina Pops at Jomari. At wish nga niya, magtutuluy-tuloy ang kaligayahan ng dalawa. Magiging masaya si Martin kung patuloy na aalagaan ni Jomari si Pops. “What I will tell him? Don't do what I did to Pops! Ha! Ha! Ha! Ha!” sabi na lang ni Martin. Source: Abante |