|
|
| Martin Nievera rushed to hospital after As One concert![]() Author: MJ Felipe Hindi napagilan ng maulap na panahon ang ginanap na concert nina Gary Valenciano and Martin Nievera na "As One" sa SM Mall of Asia concert grounds noong Sabado, September 19. Maaga pa lang ang sumugod na ang mga tao. Knowing kasi mga Pinoys, mahilig magpa-late, pero sa naturang concert, alas-otso pa lang ng gabi e halos all seats taken na ang venue. Halos alas-otso y media na nang magsimula ang concert. Opening number nila Martin at Gary ang "You're on the right track" at saka sinundan na ito ng mga hits ng dalawa tulad ng "Hataw Na", "Shout 4 Joy" at mga ballads na pinasikat nila. Naghiyawan ang mga tao nang humataw sa pagsayaw si Martin. Kinanta nila ang kanilang mga hits gaya ng "Reaching Out", "I Will Be Here", "Warrior is a Child", "Natutulog Ba Ang Diyos", "Take Me Out of the Dark" at marami pang iba. Pati ang theme song ng kanilang concert at carrier single ng kanilang album na "As One" ay inawit din nila. Naghandog ng Broadway musical pieces si Martin, samantalang si Gary naman ay umawit ng kanyang mga timeless classics. Nasurpresa ang lahat sa ginawang special number nila Gary at Martin kasabay sina ZsaZsa Padilla at Pops Fernandez na naka-project sa isang malaking horizontal LED screen. Kuhang-kuha nila Gary at Martin ang choreography at blocking sa naturang number kaya lumabas na parang nandoon talaga sa stage sina Pops at Zsa Zsa. Umani din ng malakas na palakpak ang production number ng kanilang mga anak na sina Gab Valenciano at Rob Nievera. Si Gab ang in-charge sa drums at si Rob naman ang sa gitara. Humataw ang dalawa sa pagtugtog ng "I Gotta Feeling" ng Black Eyed Peas. Naimpress ang lahat sa galing nila sa pagtugtog ng mga instruments at kitang-kitang proud na proud ang mga ama nila sa kanilang performance. Tumagal nang halos dalawang oras ang concert at kahit medyo nagbadya ang ambon sa kalagitnaan ng concert, ay walang natinag at walang umalis sa kanilang mga puwesto. Spotted sa naturang event sina Megastar Sharon Cuneta, ZsaZsa Padilla, Dra. Vicki Belo at ang anak niyang si Cristalle Henares, Ruffa Gutierrez, Donita Rose, Jericho Rosales, Toni Gonzaga kasama ang boyfriend na si Direk Paul Soriano, pati ang ilang executives ng ABSCBN. Pati ang ilang mga kasamahan natin sa press ay nandoon din para magpakita ng suporta. Pero sinugod sa Makati Medical Center si Martin right after the concert dahil na rin sa short of breath after the whole concert. Marahil napagod ng husto si Martin. Source: ABS-CBN Interactive |