Nov 24
HomeLoginBrowseNewsTV SchedulePreferenceHelp
 

Martin at Gary umiral ang pagiging stage fathers

Author: Rowena Agilada
Column: Timing

UMIRAL ang pagiging stage fathers nina Martin Nievera at Gary Valenciano sa presscon para sa mga anak nilang sina Robin at Gab, respectively.

Guests ang mga ito sa kanilang 'As 1' concert tomorrow sa SM Mall of Asia concert grounds. Maagang dumating ang mag-amang Martin at Robin na anang una, driver daw siya ng kanyang anak. A little later, dumating na si Gary na nauna pa kay Gab. Sa true lang, mas excited ang dalawang fathers, huh! 'Andun din si Angeli Valenciano at kulang na lang si Pops Fernandez para makumpleto ang "casting" ng dalawang pamil-ya.

First time humarap ni Robin sa entertainment press at naaliw kami sa kanyang sense of humor na manang-mana sa kanyang daddy Martin, pati boses at pagtawa. Kahawig naman si Robin ng kanyang mommy Pops Fernandez at yumaong lolo Eddie Fernandez. Napaka-smart and witty ni Robin na at ease na at ease makipagtsikahan sa entertainment press. Panakanaka, sumasabad sa tsikahan si Martin kaya nasabihan siyang stage father.

May banda rin pala si Robin called Wagyu at nanonood daw ng gigs nila ang kanyang daddy Martin. Mahilig din siya sa music and he took a short course in Production in Las Vegas, USA. Bukod sa pagkanta, Robin plays the guitar and piano. He is also a songwriter at may ginawa siya for Regine Velasquez titled 'Smile' para isama sa album nito. May ginawa rin si Robin for his daddy Martin na isang Christmas song. Robin is 22 years old at wala raw siyang girlfriend ngayon. Break na sila ng kanyang non-showbiz girlfriend of one and half years.

Okey naman daw sila ng stepmom niyang si Katrina Ojeda at stepbrother na si Santino. Pero dream daw niya since he was 12 years old na magkabalikan ang kanyang parents. He doesn't meddle sa lovelife ng kanyang mommy Pops. No comment si Robin when asked about her breakup with Jomari Yllana.

Nagkaselosan

As always, it's a delight to talk with Gab Valenciano na press-friendly just like his daddy Gary. Kung loveless si Robin, very much in love naman si Gab with Rachelle Ann Go. Recently ay nagkatampuhan sila at two weeks silang hindi nag-usap. May selos factor, ayon kay Gab. Pinagselosan daw ni Rachelle 'yung non-showbiz ex-girlfriend niya noong nalaman nitong nagte-text sila sa isa't isa. Aniya, he is basically friendly at karamihan sa mga kaibigan niya ay girls.

Siya raw ang hindi nakatiis and for the first time in his life, he put down his pride kay Rachelle at siya ang unang bumati. "I cannot let her go," said Gab. Inamin niya, noong bago pa lang ang relasyon nila ni Rachelle ay nakakaramdam siya ng selos kapag nakikita niyang nakikipag-usap at nakikipag-text pa ito sa ex-boyfriend nitong si Christian Bautista. "She's mine already, bakit nagte-text pa sila? But Christian is a good guy. Nagha- 'Hi!' kami sa isa't isa 'pag nagkikita kami sa 'ASAP,' pero hindi kami nagtsitsikahan," ani Gab. Pinagselosan din noon ni Rachelle si Nikki Gil, ayon kay Gab at pinagselosan naman niya si Billy Crawford. "Billy is very funny and nice guy rin siya," ani Gab. Asked kung ano'ng gagawin nila ni Robin sa 'As 1' concert ng kanilang respective fathers. "Surprise! You should watch the concert," ani Gab.

Getting closer

Hindi lang ang kaseksihan nina Aljur Abrenica at Kris Bernal ang makikita sa 'Nandito Ako...Nagmamahal sa 'Yo,' launching movie nila under Regal Entertainment, kundi pati ang kagandahan ng Bohol kung saan sila nag-location shoot. Ninety percent ng movie ay doon kinunan ni direk Maryo J. delos Reyes. Ipapasyal ang moviegoers sa Hemontagon Hills, Bee farm, Tarsier santuary, Tagbilaran pier, Café Lewis, Maribojoc mangrove plantation, Hinagdanan cave, man-made forest in Loay, Chocolate Hills, Panglao beach, Baclayan church at Loboc river.

Conducive to romance ang mga lugar na pinagsyutingan kaya lalo silang naging close sa isa't isa, ayon kina Aljur at Kris. Samantala, final episode tonight ng 'All My Life' at abangan ang nakakakilig na ending ng pag-iibigan nina Jules at Romina. Pagkatapos, may extension nito sa big screen thru 'Nandito Ako...Nagmamahal sa 'Yo' na may premiere night on Sept. 27 sa SM Megamall.

***

May audition today para sa a cappella quartet for Hong Kong Disneyland ang The Music School of Ryan Cayabyab sa Robinsons Galleria, 10 a.m. to 12 nn. Applicants must be at least 18 years old with excellent musicianship and showmanship.

Source: Tempo