|
|
| Martin at Rey, may Pamaskong handog![]() Author: Jun Nardo HAY, naku sa dami ng activities ngayong Christmas sa showbiz, wala na talaga kaming time para mag-shopping pa na panregalo sa mga friends namin. Eh, ang hirap-hirap din kasing mag-isip ng ireregalo lalo na sa mga friends mo na halos lahat ay meron na o wala nang kulang. Anyway, sa mga katulad kong busy, may ibibigay akong tip sa inyo na magandang panregalo this Christmas. Kung wala pa kayong naiisip, perfect gift po ang inilabas na bagong album ng Vicor Music Corporation, ang CD-compilation box sets ng dalawang OPM industry giants na sina Martin Nievera at Rey Valera. Oh, �di ba naman, bongga ito dahil magkasama ang album ni Martin na The Discography at Rey na Walang Kapalit. Ang Martin Nievera: The Discography ay three-CD box set na naglalaman ng kanyang all-time favorite hits, specifically �yung mga kantang sumikat talaga at nagdala kay Martin sa kinalulugaran niya ngayon sa music industry. Imagine, muli mo ngang maririnig ang mga kantang Be My Lady, How Can I, Paradise, The Best Gift, Pain, No Way To Treat A Heart, Each Day With You, Say That You Love Me, Miracle, On The Right Track, Ikaw Ang Lahat Sa Akin, You Are To Me, Airborne, One Heart, Got To Look For It, Holiday, Please Don�t Throw My Love Away, at marami pang iba. Samantalang ang kay Rey naman na Walang Kapalit, ay pinagsama-sama ang mga kantang Kumusta Ka, Naaalala Ka, Ako Si Superman, Kahit Maputi Na Ang Buhok Ko, Kung Tayo�y Magkakalayo, Pangako, Tayong Dalawa, Walang Kapalit, Kung Kailangan Mo Ako, Maging Sino Ka Man, Hindi Kita Iiwan, Malayo Pa Ang Umaga, Sinasamba Kita, Maging Akin Ka Lamang, Lihim, Kung Kasalanan Man at marami pang iba. So, ano pa ang hinihintay niyo? Sure naman na mas madali itong bilhin at mas maa-appreciate ng mga friends niyo! Hay, makabili na nga!� Source: Abante |