|
|
| Martin, panay ang tuka kay Gary!![]() Author: Jun Nardo KALOKA, walang space kahapon, kaya hindi agad nailabas ang kolum ko. Anyway, si Martin Nievera naman ang topic ko, kaya sure ako na read pa rin ninyo ang kolum ko. Sa ginanap na concert ni Martin last Friday sa Araneta Coliseum, itinodo na niya nang husto ang husay niya sa pagkanta, pagchika at tatag ng katawan dahil umabot nang halos apat na oras ang kanyang 25th anniversary concert, ang Martin Nievera XXV. Aba, sa concert na 'yon, isang beses lang umeksit ng stage ang Concert King para magpalit ng damit! Babad na babad talaga siya sa stage kaya naman sulit na sulit ang perang ibinayad ng tao para panoorin siya. As expected, walang Pops Fernandez sa concert. Tanging ang mga anak na sina Robin at Ram ang naging representative ng kanilang ina na sa video clips lang nakita ang mukha. Maganda rin 'yung hindi babad na babad ang mga guests ni Martin. Ilang linya lang ang kinanta ng mga ito at umeksit na. Tanging si Gary Valenciano lang ang tumagal sa stage. Siya ang nagbukas ng concert at sumayaw ng ilang parte ng kanta niyang Hataw Na. Hindi man bago ang joke, kuwela naman 'yung lumabas ng naka-bath robe si Martin at sinita ang kaibigan na XXV ang title ng show at hindi Gary V! Epektibo ang naging number nila na talaga namang pinalakpakan nang husto ng audience. Kaya naman sa anniversary concert ni Gary sa November, expect ninyo ang presence ni Martin bilang kapalit ng guesting ni Mr. Pure Energy, huh! Kahit na matagal ang concert, hindi naman nabigo ang followers ni Martin na marinig ang lahat ng naging hits niya. Todo-todo rin ang pasasalamat niya sa audience na pumuno ng Big Dome. “You are the blessing in my life!” sukli niya sa dumating na tao. Unang lumabas na guest si Jackie Lou Blanco na na-link noon kay Martin. Ang show na Pilita-Jackie kasi ang unang show na pinag-guest-an ni Martin nu'ng nagsisimula pa lang siya 25 years ago. Nang kantahin naman ng Concert King ang Ikaw Ang Lahat Sa Akin, naka-trio niya sina Mark Bautista at Erik Santos. After mag-exit ng dalawa, ani Martin, “Praise the people who would extend your music!” Sumulpot din si Gabriel Valenciano na nagpamalas ng konting pagsayaw. Then nag-duet sila ni Sheryn Regis na galing sa audience. Si Jed Madela naman ay naka-duet niya sa Chicago hits. Guest din ang ex-lovers na sina Rachelle Ann Go at Christian Bautista. Gayundin si Piolo Pascual na naka-duet niya sa theme song ng Lobo. Pati na sina Paolo Santos, Top Suzara at Jimmy Bondoc na bumanat ng You're My Everything. Wala namang sapatos si Regine Velasquez nang mag-duet sila ni Martin ng Forever. Ang ganda-ganda naman ni Zsa Zsa Padilla sa gown niyang kulay yellow at ang Ikaw Lang Ang Mamahalin ang piyesa nilang dalawa. Yellow rin ang suot ng Bosa Nova Queen na si Sitti na naka-duet ni Martin sa theme song ng Crossover na producer ng concert. Si Gary nga ang last guest ni Martin after ng mga anak niyang sina Robin at Ram. Sa presence na 'yon ni Gary, dalawang beses siyang hinalikan ni Martin bilang pasasalamat. Kahit nga tinapos ni Martin ang main part ng concert through his version of Broadway hits, hindi pa rin siya tinantanan ng tao para bumalik sa stage na kinanta ang You Are My Song at Forever! Congratulations kahit na nga inantok, napagod at nagutom kami paglabas ng Araneta Coliseum, huh! You cannot argue with success! Napatunayan 'yan ng GMA network last week dahil pinataob talaga nilang lahat ang mga bagong shows na nag-pilot last January 28, huh! Nilampaso talaga ng Zaido, Kamandag at Marimar ang Kung Fu Kids, Lobo at Palos sa one week telecast nito. Walang kinapuntahan ang pagbugbog sa promo ng Dos sa tatlo nilang show dahil kapos din sa ratings ang ending nila. Kahit anupaman ang pangongontra ng taga-Dos, lumabas na ang katotohanang lampaso ang tatlong bagong shows ng Dos, huh! Patunay lang na kahit gastusan pa nila ito ng milyones, nasa GMA network pa rin ang momentum kaya naman sa mga shows nila nakatutok ang tao, mula umaga hanggang gabi! Tigilan na ng taga-Dos ang paglalabas ng kung anu-anong problema sa ratings ek-ek dahil tao na ang humusga sa magiging kapalaran ng tatlong shows nila. Panalo raw ang Dos sa ratings? Tell that to the marines, 'no?*** Source: Abante |