Dec 05
HomeLoginBrowseNewsTV ScheduleStatisticsPreferenceHelpMessage Board

Martin payag pa ring mag-guest sa concert ni Pops

Mali naman ang balita na nasunog ang bahay ng mag-asawang Patricia Javier at Robert Walcher. Totoong nag-evacuate sa ibang lugar ang mag-asawa at ang kanilang anak pero hindi dahil nasunog ng wildfires ang kanilang magandang bahay sa San Diego, Cali...

 

Martin payag pa ring mag-guest sa concert ni Pops

Martin Nievera

Column: Take It! Take It!
Author: Lolit Solis

Mali naman ang balita na nasunog ang bahay ng mag-asawang Patricia Javier at Robert Walcher.

Totoong nag-evacuate sa ibang lugar ang mag-asawa at ang kanilang anak pero hindi dahil nasunog ng wildfires ang kanilang magandang bahay sa San Diego, California.

Ang latest news na natanggap ko eh bumalik na sa kanilang tahanan ang pamilya ni Patricia.

Nakapunta na si Papa Ricky Lo sa San Diego home nina Patricia at Rob. Gandang-ganda si Papa Ricky sa bahay ng mag-asawa na masuwerteng nakaligtas sa pagkasunog.

Palaging ipinakikita sa CNN ang malaking sunog sa California. Nakakalokang isipin na help­less ang mga bombero kapag natural calamity na ang kanilang kalaban, itsurang bong­ga ang kanilang mga pamatay sunog!

* * *

Malakas ang ulan noong Martes pero hindi ito naging sagabal para hindi puntahan ng mga reporter ang presscon ng La Vendetta sa Intramuros.

In full force na dinayo ng press ang Ilustrado restaurant dahil dito idinaos ang presscon ng bagong TV series ng GMA 7.

Kasama sa cast ng La Vendetta ang aking alaga na si Paolo Contis na hindi nawawalan ng project kaya can afford na siya na ipagawa ang kanyang dream house.

Maganda ang role ni Paolo sa La Vendetta at markado naman ang role niya sa Banal, ang pelikula na directed by ni Cesar Apolinario na balak isali sa Metro Manila Film Festival.

Napanood na ni Gorgy Rula ang rushes ng Banal at puring-puri niya ang acting ni Paolo.

Malaki na ang ipinagbago ng ugali ni Paolo mula nang mahilig siya sa pagbabasa ng Bible.

Alam n'yo ba kung sino ang churchmate at palaging kasama ni Paolo sa Bible study? Si Piolo Pascual! Kaya bakit sasabihin ng iba diyan na sinisiraan ko siya eh alam ko na good influence siya kay Paolo?

* * *

Umaasa pala si Martin Nievera na magiging busy siya sa December dahil kung hindi, baka pumayag siya na mag-guest sa concert ni Pops Fernandez dahil hinding-hindi raw niya mata­tang­gihan ang kanyang ex-wife. Ganoon?

Isa lang ang concern ni Martin. Hindi pa raw siya nakakatanggap ng formal o personal invitation mula kay Pops.

Sa palagay n'yo ba, iimbi­tahan pa ni Pops si Martin pag­katapos ng tell-all inter­view sa kanya ng YES magazine?

May tsismis na wala raw munang plano si Martin na magkaroon ng concert sa Pilipinas dahil tanggap niya na na-damage nang husto ang kanyang pagkatao ng mga naging pahayag ni Pops tungkol sa pagsa­sama nila noon.

Pero babalik ng Pilipinas si Martin sa susunod na buwan dahil performer siya sa fund-raising event ng isang charitable intstitution.

Napaiyak si Martin sa huling interview sa kanya na ipinalabas sa The Buzz pero imbes na maki­simpatiya, na-turn off pa raw sa pag-iyak niya ang televiewers.True ba ito? Kung totoo, nakaapekto talaga sa kanya ang mga revelation ni Pops!

* * *

Sandali lamang ang pagkawala ni Billy Crawford sa Pilipinas dahil babalik din siya sa November 3.

Matutuwa si Rufa Mae Quinto kapag nalaman nito na hindi matagal na mawawala ang kanyang special friend.

Pinatotohanan ng mga tao sa paligid nina Rufa Mae at Billy na totoo at hindi pralala ang balita na may unawaan sila na puwedeng mauwi sa seryosong relasyon.

Hindi natin masisisi si Rufa Mae kung pinili niya si Billy kesa sa kanyang ex-boyfriend na si Erik Santos. Afterall, Billy Crawford is Billy Crawford, kahit tanungin n'yo pa si Anna Dizon!

Source: Pilipino Star Ngayon