|
|
| Martin, tikom ang bibig sa bagong dyowa ni Pops!Author: Rey Pumaloy TUMANGGING magsalita si Martin Nievera tungkol sa bagong boyfriend daw ni Pops Fernandez. Sabi ni Martin, wala raw siyang alam sa love life ni Pops. Itinanggi rin ni Martin na may bago siyang nililigawan na non-showbiz girl. “Sino bang nag-confirm na may girlfriend ako? No! No! I would never admit. It doesn't work with me anymore. Look at these young couples, they profess their love and I'll never leave you, forever and ever. My God, 6 months later, they broke up! “It's not worth it anymore! You will always hear me say a general answer until of course I'm ready to settle down again. Then, it's important for you to know. But if it's just a girlfriend, a fling or a date or whatever, better not. “No, because it's not fair! At the end, again, here we are again. Kung magi-isip ka na at the end, ang papakita ninyo lahat sa The Buzz, 'yung mga happy days namin. So, documented lahat ng sinasabi namin noon na puwede ninyong gamitin sa konting problema o konting storm. It's not fair to the girl. “Let say, kasama 'yung girl sa showbiz, baka kaya niya dahil sanay na siya. Pero, 'yung mga girls o 'yung mga boys ni Pops na hindi kasama sa showbiz, it's not fair to them to drag them, their families, their past or history, their politics or their religion. It all comes in to play pag may konting storm or friction. “My God, I'm always in hot water when it comes to my love life. So, it's better to leave it that way,” mahabang paliwanag ni Martin. May mga balita rin na 'hiwalay' o may 'gap' sila ng kanyang live-in partner na si Katrina Ojeda. “We're okey, yes!” mabilis na sagot ni Martin. Pero, bakit may mga balitang hiwalay na sila ni Katrina? “Because I'm not there, we're not together. She's raising our son by herself just like Pops na pinalaki ang mga anak namin na siya lang. “I'm in a business where you can't have a steady relationship. It's always like this. So, kawawa 'yung girl,” say ni Martin. Anyway, ayaw na ngang magdetalye pa ni Martin sa sitwasyon nila ni Katrina ngayon. Pero, patuloy niyang ipinagdidiinang okey sila nito bilang isang pamilya. Samantala, hindi maitago ni Martin ang kasiyahan sa pagpasok ng kanyang anak na si Robin Nievera sa showbiz. Makakasama nga nila si Robin sa concert nila ni Gary Valenciano na As 1. Sabi ni Martin, hindi na siya nagulat sa pagkahilig ni Robin sa musika, dahil kahit nung bata pa raw ito ay nakikitaan na niya ng interes sa music. Kuwento pa ni Martin sa 40th anniversary raw ng bandang Society of Seven sa Las Vegas ay nakikanta si Robin, pati na ang anak niyang si Ram, sa kanya. Sinurpresa raw niya ang tatay niyang si Bert Nievera na kasali sa 40th anniversary show ng Society of Seven band sa Las Vegas. Ang tatay raw niya ang isa sa pinakamatagal na naging member ng banda, na ang bokalista sa ngayon ay si Lani Misalucha. Sabi ni Martin, sabay-sabay raw silang umakyat sa stage nina Robin at Ram, pati na ang bunso niya kay Katrina na si Santino. At nagulat daw si Martin dahil alam nina Robin at Ram ang mga hit na kanta niya. Sumabay raw sa pagkanta ang dalawa, kaya tuwang-tuwa pati na ang tatay niyang si Bert. Anyway, pangarap ni Martin na makasama niya na mag-perform sa stage sina Ram at Robin. At sana raw, pati na si Pops ay makasama rin nila. Source: Abante |