Nov 22
HomeLoginBrowseNewsTV SchedulePreferenceHelp
 

Marvin Agustin muling liligawan si Jolina Magdangal

Author: Tonee Coraza
Column: Whatever

Marvin Agustin is celebrating his 30th birthday on Jan. 29.

Kaso may shooting sked siya sa araw na 'yon ng bago niyang pelikulang may titulong 2999 under Unitel Films kaya naman he invited a few friends from the press last Tuesday for an advance birthday treat sa kanyang Marciano's Resto at Greenbelt 3, Makati.

So far he owns 7 restaurants and soon magbubukas din siya ng tatlo pa sa Alabang Town Center, Eastwood at The Fort.

Kung tutuusin ay hindi na niya kailangan pang mag-artista, kasi he's already a successful businessman, pero malakas daw talaga ang hatak ng showbiz.

Sa ngayon ay na-extend ang teleserye niyang LaLola at magse-second season na ang Dear Friend nila ni Jolina Magdangal.

Nalungkot siya nang malamang nag-break na sina Jolens at si Bebong dahil ang buong akala niya ay magkakatuluyan talaga ang mga ito.

"I texted Jolina right away when I heard the news. Hindi ko na siya tinanong kung ano ang reason ng break-up nila. Everything happens for a reason. They're both mature naman and they both know what they are doing. Basta Jolina knows that I' m always here for her," pahayag ni Marvin.

Sinabi rin niyang, puwede niyang ligawan (ulit) si Jolina, pero hindi pa ngayon dahil kabi-break nga lang daw nito kay Bebong at may hurt pa rin daw ito sa puso. By the way, sa Jan. 30 ay isu-shoot ang bago niyang TV commercial for Bear Brand powdered milk. Ito raw ang iniinom ng kanyang kambal na sina Santiago at Sebastian. Pagdating din ng October-December ay magko-compete siya sa sports na archery sa SEA Games and World Championship.

* * *

THE stakes are getting higher.

Mukhang wala yatang makatatalbog sa thanksgiving party ng Royal Era Entertainment ni Annabelle Rama para sa kanyang mga alaga which includes her children, Richard, Ruffa and Raymond Gutierrez plus Heart Evangelista, JC de Vera, Assunta de Rossi, sisters Ehra and Michelle, TJ Trinidad, Miriam Quiambiao, Yna Asistio, Ana Roces, Almira Muhlach, Melissa Silvano at marami pang iba. Aba, ang Royal Era lang ang bukod-tanging nagpa-raffle ng walong Samsung 32" LCD TVs, limang 3G I-Phones, 15 I-Pod Nano 8g, 2 Cybershot digital cameras at sangkaterbang cash prizes.

Walang umuwing luhaan dahil lahat ay 'binigyan' ni Tita Annabelle.

Nagsimula ang Royal Era noong 1995, kaya 14 years na sila ngayong 2009. At dahil nga bumobongga nang husto ang income ng kanyang mga alaga, kaya bongga na rin ang kanyang pa-raffle sa press.

Hindi na raw uso kay Tita Annebelle ang pa-raffle na electric fans, oven toasters, microwave oven, washing machines, 21" flat TVs at mga mumurahing celphones dahil lagi na lang 'yon ang natatanggap ng mga press people sa ibang pa-raffle.

Dahil sila nga ang nagpasimula ng pagbibigay ng thankgiving party for the press (na ginawa na rin ng ilang sikat na artista natin at ibang pulitiko) ay talagang pinalaki at pinabongga nila nang husto ang prizes for the raffle.

Kaya naman todo-ngi-ti rin ang mga reporter at paniguradong tutulu-ngan na naman nang husto ng mga ito ang lahat ng mga alaga ni Tita Annabelle.

Pakiusap niya na tulu-ngan ang pelikula ni Ri-chard at KC na When I Met U na ipapalabas na ngayong Valentine's Day.

At abangan na ang ba-gong teleserye ni Richard na Zorro ng GMA-7.

* * *

NAIRAOS naman namin nang maluwalhati ang aming birthday last Jan. 17 nang mag-check-in kami sa EDSA Shangri La Hotel with some non-showbiz friends.

Hindi sinasadyang nagkita kami ni Dingdong Dantes sa Health Club ng EDSA Shang kung saan member pala siya at doon siya laging nagdyi-gym tuwing weekends.

Source: Taliba