Dec 05
HomeLoginBrowseNewsTV ScheduleStatisticsPreferenceHelpMessage Board

Marvin, nanghihinayang kina Pauleen at Angel

TSIKA ni Marvin Agustin sa presscon ng Gaano Kadalas ang Minsan, hindi siya marunong manligaw dahil takot siyang mabasted. "Basta comfortable kayo sa isa't isa at feel n'yo okey na kayo, okey na 'yun. Natatakot kasi akong mabasted, eh," esplika pa ng ...

 

Marvin, nanghihinayang kina Pauleen at Angel

Column: Hot Shots
Author: Gerry Ocampo

TSIKA ni Marvin Agustin sa presscon ng Gaano Kadalas ang Minsan, hindi siya marunong manligaw dahil takot siyang mabasted.

"Basta comfortable kayo sa isa't isa at feel n'yo okey na kayo, okey na 'yun. Natatakot kasi akong mabasted, eh," esplika pa ng aktor sa press.

Ano naman ang masasabi niya sa mga babaing nakarelasyon o na-link sa kanya, like Jolina Magdangal, Angel Locsin, Pauleen Luna at ang pinakabago, si Diana Zubiri?

"Si Jolens, akala ko noon kami na," bungad ni Marvin, "Si Angel naman, sayang! Ganoon din kay Pauleen, sayang. Si Diana, wow!"

Magkaibigan lang daw sila ng alaga ni Jojo Gabinete. Close friends. Malambing at masarap daw kasama ang sexy actress na incidentally ay isa rin sa leading ladies niya sa Gaano Kadalas ang Minsan.

"Playboy" tuloy kung tawagin si Marvin ng entertainment writers ngayon, dahil tatahi-tahimik, pero matinik sa chicks.

* * *

AMINADO si Camille Prats na hindi niya sinabi sa husband niya na may kissing scenes sila ni Marvin sa Gaano Kadalas ang Minsan.

Gusto raw kasi niyang sorpresahin ang mister niya.

Hindi naman kaya si Camille ang masorpresa 'pag umusok sa galit ang non-showbiz husband niya't maging dahilan pa ng kanilang pag-aaway?

"I don't think magagalit siya. Unang-una, alam ng asawa ko na love ko ang trabaho ko at trabaho lang ito, walang personalan," pahayag ng aktres.

Thankful si Camille sa GMA-7 dahil pagkatapos magsilang, muli siyang binigyan ng project.

Hitsurang second choice lang siya (siya ang pumalit sa nagkasakit na si Sunshine Dizon), wa care si Camille. Ang importante raw, sa kanya ipinagkatiwala ang proyekto.

* * *

Grabe ang dami ng taong dumalo sa launching ni Angel Locsin bilang bagong endorser ng Folded & Hung sa Trinoma nu'ng bumabagyong Sabado ng gabi.

Sabi ng manager niyang si Becky Aguila, kasama sa transformation ng alaga niya ang pagiging daring.

Kaya naman, no big deal daw ang pagpayag ni Angel na mag-topless sa billboard ng Folded & Hung sa kahabaan ng EDSA.

Source: People's Tonight