|
|
| Marvin, pasok sa archery trials ng SEA GamesAuthor: Gerry Ocampo NABANGGIT ni Francine Prieto ang mga plano niya ngayong 2009 nang makausap namin sa taping ng Bubble Gang kamakailan. "Hanggang November 2009 pa ang kontrata ko sa GMA-7. "Ang plano ko, after mag-expire ang kontrata ko, hahanap ako ng bagong manager na tututok sa career ko. "I need to diversify, ibang face naman, ibang packaging. "May naisip na akong magiging part ng team ko na sana ay matuloy. "So far, maganda naman ang pasok ng 2009 sa akin. Iere na ang TV commercial ko at start na rin ng taping ng Ang Babaing Hinugot sa Aking Tadyang nina Marian Rivera at Dingdong Dantes. "Super salbahe ang role ko roon. Matagal ko nang pangarap na lumabas na kontrabida. " * * * NARITO naman ang mga hiling ng ilan sa ating mga sikat na artista ngayong 2009: Richard Gomez at Lucy Torres: Talagang gustung-gusto na naming sundan si Juliana. Kakaririn na namin ang pagdaragdag ng miyembro ng aming pamilya ngayong 2009. "Sana, baby boy. Pero kung girl, magpapasalamat din kami dahil matutupad na ang wish ni Juliana na may tumawag sa kanya ng 'ate. '" Marvin Agustin: "Sobrang blessed ako last year, salamat sa Kapuso Network. "Enjoy ako sa La Lola, lalo na't maraming naiinis sa character ko roon. "Kering-keri ko ang pagiging bad boy. Para sa fans naman namin ni Jolens (Jolina Magdangal) ang Dear Friend. "Ngayong 2009, baka sumali na ako sa Sea Games, sa archery. "Nagbunga rin ang training ko, kaya pasok ako sa trials. Hopefully din, may dalawa kaming restaurant na bubuksan. "Huwag na muna nating pag-usapan ang lovelife, wala pa tayo niyan. " Jennylyn Mercado: "From now on, sa aking baby na si Jazz na sesentro ang buhay ko. "Hanggang February pa ang kontrata ko sa GMA Artist Center. 'Di ko pa alam kung ano ang magiging next step ni Tita Becky (Aguila, Jen's manager). May tiwala ako sa kanya. Alam niya kung ano ang mabuti para sa akin. Pero, mabait sa akin ang Kapuso Network. "This January, may bago kaming teleserye ni Mark (Herras), 'yung Paano Ba Ang Mangarap? Balik-SOP din ako tuwing Linggo. "Gagawin ko rin ang Obra Presents: Jennylyn. Kahit gusto kong maging full-time mother, trabaho muna. Para naman sa anak ko ang kakaririn ko, eh. Rufa Mae Quinto: "Ayaw ko munang makipagrelasyon. Ewan ko ba. Mabait naman ako, masarap naman akong magmahal, at 'di ba, kagandahan din naman ako? "Bakit nga ba wala pa akong mapiling partner sa buhay? "So, this year, trabaho at negosyo muna ang focus ko. Siguro, makikipag-date ako 'pag may nag-invite. Pero nothing serious muna, promise. " * * * Bongga ang gagawing pagsalubong ng SOP family sa taong 2009 ngayong Linggo. Ise-celebrate sa show ang birthday nina Kyla at Mark Anthony Fernandez. Ilo-launch din ang bagong season ng Daisy Siete ng Sex Bomb at ang bagong kanta ni Janno Gibbs. Magkakaroon din ng pasabog si Lito Camo at may surprise pakulo ang SOP barkada nina Regine Velasquez, Jaya, Ogie Alcasid at Janno. * * * BUKAS sa Kap's Amazing Stories ni Senator Bong Revilla sa GMA-7, ikukuwento at isasalarawan ang mga nakakagulat at nakakagimbal na pangyayaring nasaliksik sa iba't ibang panig ng mundo. Source: People's Tonight |