Dec 05
HomeLoginBrowseNewsTV ScheduleStatisticsPreferenceHelpMessage Board

Mas malakas ba ang Sandara-Joseph kesa Juday-Piolo?

Tungkol sa 'D Lucky Ones nina Joseph Bitangcol at Sandara Park at ang pelikula ni Piolo Pascual na Don't Give Up On Us.

 

Mas malakas ba ang Sandara-Joseph kesa Juday-Piolo?

Joseph Bitangcol and Sandara Park

Column: Star Nga Ba?
Author: Alfie Lorenzo

DESPITE the heat of summer, it's WINDY around the mall theaters where D'Lucky Ones is showing. It's time for the director to blow his windy top once again amidst impossible moments.

The Star Cinema movie opened its regular run on a Black Saturday when most of humanity are out on a binge, nasa bakasyon outside of Metro Manila, kung saan-saang probinsya nandoon and Metro Manila is literally deserted - go ask Lolita Solis dahil bukod tanging siya lang yata ang natira sa siyudad!

Nagbalikan ng Maynila ang sangkatauhan nu'ng Linggo ng gabi, at madaling-araw ng Lunes. Tired mula sa mahabang biyahe, surely the first thing they would hunger for is the comfort of their beds to rest, if not go on and sleep! Would the first thing in their tired minds and bodies be to snatch time to watch D'Lucky Ones?

Nu'ng may mag-announce nu'ng Lunes ng tanghali na ang opening day gross daw ng D'Lucky Ones ay P18M (yes, eighteen million pesos!) muntik na kaming mahulog sa kama namin in disbelief. Lumindol ba? Katatapos lang ng Mahal na Araw, katutubos lang ng mga kasalanan natin and yet heto, a day after Easter Sunday ng pagkabuhay ng ating Panginoon, may NAGKASALA na naman by committing a MORTAL SIN?

18 million pesos sa panahong kabi-kabila ang mga rallies and demonstrations dahil sa hirap ng buhay at panay ang angal at reklamo ng buong Pilipinas gawa raw ng kahirapan ng buhay, may pelikulang kikita ng 18 million on its first day? Saan nanggaling ang mga tao? May natira pa palang BARYA mula sa bakasyon nila?

Ayaw ni FAVATINI ng ganyan, si Favatini na naglibot sa mga sinehan at buong ningning na sinulat sa column niya na wala raw MAGIC na nalikha ang Star!

Remember na kakatapos lang mag-showing ng Don't Give Up On Us nina Juday at Piolo. Star Cinema shyly announced na ang opening day gross daw ng Juday-Piolo re-teamed-up ay mere P16M lang, (yes, ONLY sixteen million pesos at wala nang follow-up announcements after that!). Ibig bang sabihin nito, eh MAS malakas sa takilya ang tambalang Sandara Park-Joseph Bitangcol kesa Global Loveteam nina Juday at Piolo?

Para maging kapanipaniwala ang press release na kumita ng 18 million ang D'UNlucky Ones on its first day, dapat ang itumba muna ng Sandara-Joseph loveteam ay ang team-up nina Sandara-Hero Angeles kasunod ng John Lloyd Cruz-Bea Alonzo loveteam BAGO ang Juday-Piolo Global Loveteam, 'noh! Para maging believable man lang sila. Pero hindi po, MALAKAS kasi ang hangin, its kinda windy somewhere!

Sandali nga lang, tila may pattern ang career move ng mahanging direktora, ah. Remember nu'ng showing pa ang third team-up movie nina Juday at Piolo na Till There Was You, na during that time was bruited about na kumita ng P12M (twelve million pesos) on its first day, biglang pinutol ang showing ng Star Cinema movie na 'yun at isinalang kaagad ang isa pang Star Cinema movie which was Ang Tanging Ina, na kumita raw ng P200M (take a deep breath, 200 million pesos!) gayung nu'ng opening day nito ay BAHA sa buong Metro Manila for two days.

So, saan nga sumakay ang mga nanood, namangka? Hindi ba kinulang ang mga bangka sa Malabon to ferry all the people na gustong magparaan ng ulan at bagyo sa mga SM malls? Pinangatawanan ng Star Cinema ang claims nila even on an impossible day, tulad ngayon na two days na walang tao sa Metro Manila and yet they still had a blockbuster? Oh my!

Mabuti pa nga ang Regal Films at may common sense sila to open on a regular Wednesday playdate, April 19 for Pamahiin. May pamahiin yata ang Star Cinema na huwag sabayan ang playdate ng Regal movie dahil nagkaroon na sila ng mapait na leksyon nu'ng buong tapang nilang itinapat ang Piolo Pascual-Bea Alonzo movie na Dream Boy sa Richard Gutierrez-Angel Locsin movie na mas kumita at inilampaso sa takilya ang Piolo-starrer.

It was indeed a BAD DREAM for Star Cinema to have underestimated the box-office appeal of kambal Richard even if Piolo plays a triplets in his own delusion!

Sinasadya kaya ng mahangin na direktora na always go "after you Juday" para hiyain ang aming alaga? Dalawang Juday-Piolo movie na 'yan na gusto niyang i-assassinate. But in the end naman, kung sino ang may masamang tangka, may masamang intentions ang siyang umaani ng bad Karma. Look...

After Ang Tanging Ina, kung saan nag-zoom-zoom ang career ni Ai Ai delas Alas, ginawa pang sitcom sa ere ang Tanging Ina. But what happened to my friend's career? Ang sumunod niyang movie na Volta had a short circuit at the box-office.

Hindi kasalanan ni Ai Ai. Hindi na raw kasi sikat si Assunta de Rossi and Joyce Jimenez? Assunta concentrated on her being a plain housewife and Joyce disappeared on the movie scene to pursue her studies daw.

Si Ai Ai naman also lost her sitcom Tanging Ina and another daily variety show and for a while was not seen on TV kaya sa Klownz na lang muna rumaket si Ai Ai.

The Windy director naman had a bitter experience wirh Buttercup at halos lahat ng mga biggest draw ng Star Magic na kasama sa show na 'yun had a career slump. Piolo had another nightmare in his afternoon delight na MANGARAP KA.... he didn't.

His partner Angelica Panganiban had a bad dream too in Santa Santita. 'Yung sumunod na directorial job ni Windy na Kampanerang Kuba ay HINDI umunat ang likod sa pagkaka-KUBA sa ratings ng kabilang network! And now, this D'Lucky Ones which was UNLUCKY for reasons we cannot fathom. Gayung sa TV trailers pa lang na ikinaempatso namin dahil sa dami ay natatawa naman kami sa comic prowess nina Pokwang at Eugene Domingo. Where did it fail then?

Kaya nga after Bittercup, (uppsss, my cup overfloweth!) kinailangang dalhin ng Star Cinema sa MILAN at DUBAI ang priceless stars nila para sagipin tungo sa oblivion.

Kinailangan ang maganda at magastos na background to restore the glow and glory of their luminous stars or else mawawalan na sila ng powers... hindi na makakapag-MAGIC ang star builder nila! Hahahaha!!!

And what is the lesson for what we are crowing about? Sana naman KAHIT MINSAN LANG (wow, ang gandang title for a movie, huh!) eh magsabi naman sila ng TOTOO! Dahil pag movie ni Juday, eh HINDI naman sila NAGSISINUNGALING, 'noh!

Source: Abante