Nov 23
HomeLoginBrowseNewsTV SchedulePreferenceHelp
 

Mas seksing Lovi may bagong ka-relasyon

Author: Noel Asiñas
Column: Cut!

MAGPAPAKA-DARING si Lovi Poe sa kanyang latest movie na Sgarada Pamilya.

Lalabas siya sa isang offbeat role na hindi mo aakalaing magagawa niya ito.

Ang role niya rito ay makikipagrelasyon sa iba't ibang lalaki.

Pero ipinaliwanag ng a-ming source na hanggang charater lang magiging da-ring si Lovi.

Tanging gagawin lang niya ay isang mabigat na characterization na aalala-yan nang husto ni Direk Joel Lamangan.

Malamang ang ikare-react lang ni Jolo Revilla dito ay kung sino ang makaka-relasyon ni Lovi sa pelikula.

Pa-mature role na ang pinupuntahan ni Lovi.

Nag-iiba na rin ang kanyang "move" sa acting career.

Siguro ay dapat na ni-yang gawin ito dahil pabi-gat nang pabigat ang nauuso ngayong istorya sa pelikula at telebisyon.

* * *

BAGO matapos ang taong 2009, lilipat daw si Rufa Mae Quinto sa bagong nabiling mamahaling condominium sa Greenbelt, Makati.

Karamihan ng nakaka-afford nito ay mga foreigner na mas piniling tumira sa Pilipinas dahil sa magandang klima.

Ang condominium na ito ang ipinalit niya sa bahay na ibinenta niya kay Iza Calzado.

Sa ngayon, nakatira siya sa Cubao kasama ang kanyang pamilya at mga kamag-anakan.

Maaaring ang ibinibili ni Rufa Mae sa kanyang bagong condo ay ang kinita niya sa halos isang taon niyang pagsu-show sa iba't ibang panig ng mundo.

Dollars siyempre ang kinita ni Ruffa Mae dito.

Ngayong naglalagi siyang muli sa Pilipinas , matatanggap na niya ang role niya sa Darna.

Marami syang tinanggihang soap opera.

Huli ay ang Zorro, na napunta naman ang role kay Maureen Larrazabal.

Regular siya ngayon sa Bubble Gang, SOP at Showbiz Central.

* * *

KASAMA ni Manny Pacquiao ang buong pamilya para sa shooting ng kanyang Nike commercial kasama si Kobe Bryant.

Present ang misis niyang si Jinkee at ang apat na anak sa shooting.

Sinamantala ng pamilya ni Manny na magbakasyon na dahil wala ring pasok ang kanyang mga anak na nag-aaral sa Brent School.

Magkasama sina Kobe at Manny sa isang commercial na ipalalabas sa buong daigdig.

Pagbalik ni Manny sa Pilipinas ay aasikasuhin na niya ang kanyang sitcom.

Last week of July na sisimulan ang taping.

Super-taping ang kanilang gagawin para may reserba kapag nagsimulang mag-ensayo si Pacman para sa kanyang next fight.

May bagong pumasok na pangalan sa cast ng sitcom bukod sa naunang kasama na sina Onyok Velasco at Lito Camo.

Kailangan si Lito sa show dahil may portion doon na pakanta-kanta si Manny.

Siyempre, ang composer niya ay si Lito.

Definitely, kasama rin sina Paolo Contis, Pekto at Benjie Paras.

Secret pa rin ang titulo pati ang kanyang leading lady, na ang tanging clue ay isang sikat na primetime actress ng GMA-7.

Marami sila, sino kaya iyon?

Ngayong Sabado sa prog-rama ni Manny na Pinoy Records, abangan ang laba-nan nina Rich Asuncion at Janina San Miguel bilang Palengke Queen para sa Celebrity Face Off portion.

Pinakamalaking Rizal Shrine ay matatagpuan daw sa Nueve Vizcaya at ang pinakasikat na Tawilis na ginagamit na sardinas ay matatagpuan din Taal Lake.

Iyan ang kuwento para sa Pacman List.

Sa Pinoy Extreme Engkuwentro, tampok ang Prito King. Dalawang magkatunggali ang maglalaban sa paramihan ng pritong isda sa loob ng 25 minutes na gamit ang kanilang kamay bilang siyense.

Sino kaya ang manalo sa dalawa?

* * *

PUPUNTAHAN nina Joey de Leon bilang Inspektor Talas at Ryan Yllana bilang Vicky Bola sa Joey's Quirky World ngayong Sabado at Linggo, ang bulkan ng Bandung sa Indonesia.

Aalamin ng dalawa kung bakit paboritong puntahan ng turista ang bulkan.

Dadalhin din tayo ng Joey's Quirky World, sa mga bansang Egypt, Netherlands, Indonesia, Italy, Germany, Czech Republic, at Bangladesh .

Sa Egypt , bibisitahin nila ang mga camel na may sa-riling identification certificates.

Sa Netherlands naman, sasakay sila sa taxi na nasa tubig.

Bibisitahin rin nila dito ang Maritime Museum at Seal Nursery.

* * *

MAY bagong Love Expert na bisita sa Cool Center ngayong gabi, na walang iba kungdi si Mr. Fu.

Siya ang sikat na announcer ng Energy FM 91. 5.

Puwedeng tumawag ang lahat hinggil sa kanilang problema sa pag-ibig.

Sa first caller naman na may gustong makuha ang pangunahing gamit ni Janno Gibbs, may pagkakataon mapasakanya ito.

Andun pa rin si EB Babes Madel para bigyan kayo ng magandang production number.

Lahat nang iyan ay mapapanood pagkatapos ng Imbestigador ngayong Sababo ng gabi. Ang Cool Center ay hosted by Anjo Yllana at Eugene Domingo.

Source: Taliba