Nov 22
HomeLoginBrowseNewsTV SchedulePreferenceHelp
 

'Masaya akong naka-move-on na siya'

Author: Nitz Miralles
Column: Basta

Hindi kinakitaan ng panghihinayang si Dennis Trillo na kung kailan break na sila ni Cristine Reyes, saka napiling Sexiest Woman ng FHM Philippines ang ex-girlfriend.

Pati ang nasulat na pakikipag-date ng dalaga kay John Lloyd, maluwag nitong tinanggap.

Sabi ni Dennis: "Tinatanong n'yo ako sa reaction ko? Sa totoo lang, wala na akong say du'n. Wala na akong kinalaman dahil wala na kami, wala na kaming relasyon.

"Kung nakikipag-date siya, karapatan n'ya 'yon, kung gusto niyang maging masaya, okey lang, no problem.

"Masaya akong naka-move-on na siya at hayaan nating maging masaya na siya. "

Sa balitang nagkaka-debelopan sila ni Pauleen Luna, kasama niya sa Adik Sa 'Yo, sabi ni Dennis, beautiful friendship pa lang ang meron sila, pero hindi nawawala ang posibilidad na magkagustuhan sila.

Sa tanong kung sa totoong buhay ay pag-aawayan siya nina Pauleen at Jennica Garcia, natawa lang si Dennis.

Hindi rin daw imposibleng maging sila ni Jennica dahil nagka-GF na siya na kasing edad nito, pero hindi niya pipilitin ang sarili para sa Adik Sa 'Yo.

Samantala, mamaya na ang world premiere ng Astig sa CCP, kung saan ginagampanan ni Dennis ang role ng isang hustler at semi-call boy.

Unang in-offer ang role niya kay Dingdong Dantes, hindi kaya pagsisihan ng actor ang pagtanggi sa project?

"Ayaw kong isiping magsisisi siya dahil maganda rin ang nangyayari sa career niya. Kung sa kanya napunta ang role, tiyak kong kayang-kaya niya dahil iba ang level ni Dingdong. "

* * *

Dream come true kay Jon Avila ang mapasama sa cast ng Oh, My Girl! dahil itinuturing niyang dalawa sa biggest stars ng local movies sina Ogie Alcasid at Judy Ann Santos.

Na-starstruck nga siya sa una nilang mga eksena, buti raw at 'di siya nagkamali sa lines niya.

"Si Judy Ann, ang tingin ko, isa sa pinakamataas na level sa mga artista, gaya ni Aga Muhlach. Magaling siya sa acting at talagang sikat na sikat," sabi ni Jon.

Pinuna naming mas straight nang mag-Tagalog si Jon at dahil daw 'yon sa pagbabasa niya ng script at kailangan niyang matutong mag-Tagalog dahil gagawin niya sa ABS-CBN ang Fat is Thin kasama sina Wendy Valdez at Valerie Concepcion.

* * *

Ang American-Japanese singer-songwriter, guitarist at pianist na si Marie Digby ang sunod na dadalhin sa Manila ng Fearless Promotions nina Jomari Yllana, Ronald at Ryan Singson.

Billed as Marie Digby Live in Manila, gagawin ito sa NBC Tent sa August 1.

Tinawag na YouTube sensation si Marie Digby at sumikat nang kantahin at i-upload ang acoustic version ng Umbrella ni Rihanna.

May cover din siya ng songs ng Linkin Park, Maroon 5 at Nelly Furtado.

Ang first official single niya ay Say It Again (2008) from her debut album Unfold at ang second album niyang Breathing Underwater ay sa September 8 pa dapat ire-release, pero nag-leak sa Internet.

Manggagaling sa concert sa Singapore sa July 28 si Marie bago ang concert niya rito.

Marami pa kaming malalaman sa kanya 'pag nakausap namin si Jomari.

* * *

Humihigpit ang labanan sa Are You The Next Big Star? simula nang magkatanggalan. Last Saturday, sina Anton Cruz at Shane Tarun ang na-eliminate.

Today, dalawa uli ang mababawas sa contenders. Alamin kung sino kina Alexa Ortega, Christine Allado, Greggy Santos at PJ Gonzales ang matsutsugi.

Lalo pang naging exciting ang pagpili ng next big star ng show dahil kasama na ang taumbayan sa pipili ng mananalo.

Exclusive management contract from GMA Artist Center, a condo unit from Avida Towers, recording contract from GMA Records at P1 million from SM Supermalls ang iuuwi ng winners.

* * *

NGAYONG Sabado sa 5Max Movies ng TV5, palabas ang sci-fi movie na Pitch Black starring Vin Diesel.

Tungkol ito sa grupo ng space travelers struggling for survival. Ito ang pelikulang nagpasikat kay Vin sa role niyang si Richard Riddick.

Bukas, Sunday, ang Charlie's Angels: Full Throttle nina Cameron Diaz, Drew Barrymore at Lucy Liu ang mapapanood.

Source: People's Tonight