|
|
| Matamlay!Author: Jojo Gabinete NAHINTO ang motorcade ng 20th Star Olympics noong Sabado dahil inabot ito ng ulan. Past 2:00 p.m. na nang mag-umpisa ang motorcade sa Pasig City Sports Complex. Pinangunahan nina Pagsanjan Mayor Er Ejercito at Rez Cortez ang motorcade. Kabilang sa mga muse ng team sina Angelica Panganiban, Nina Jose at Diana Zubiri na nag-represent sa Touch Mobile. Matamlay ang Star Olympics dahil sa non-participation ng mga sikat na artista. Marami sa mga kasali ang hindi namin kilala at kung may pangalan man ang iba, hindi na sila aktibo sa showbiz o bihirang mapanood sa telebisyon at pelikula. Isang morenang babae ang agaw-pansin sa motorcade dahil panay ang kaway niya sa mga tao. Kung hindi pa namin tinanong sa aming kasama ang pangalan ng babae, hindi namin malalaman na siya si Teacher Racquel Reyes ng Pinoy Big Brother. Nakakaaliw si Teacher Racquel dahil feel na feel niya ang pagiging celebrity. Anyway, nakakalungkot isipin na tila mahirap nang ibalik ang dating sigla at ningning ng Star Olympics. *** Nanghinayang kami sa pagkakatanggal kay Reymond Sajor sa Philippine Idol noong Linggo dahil isa siya sa mga mahuhusay na contestant. Kitang-kita ang disappointment ni Ryan Cayabyab sa naging kapalaran ni Reymond at sana, totohanin na niya ang kanyang banta na magiging mahigpit na siya sa susunod. Sa mga nakaraang episode ng Philippine Idol, naging polite ang tatlong judges sa performance evaluation ng finalists. Hindi naging maganda ang resulta dahil ayon nga kay Ryan, ang magagaling na finalists ang nakakuha ng pinakamababang boto at maagang natanggal sa contest. *** Si Gelli de Belen ang panauhin mamayang gabi sa Bahay Mo Ba�To. Gagampanan ni Gelli ang role ni Frida, ang babae na naghahanap sa kanyang asawa na nawawala. Mapagkakamalan ni Frida na si Jonathan (Pekto) ang asawa niya. Matatakot si Jonathan dahil makikita niya si Frida na may katawan na katabi pero walang ulo. Ganito rin ang naging karanasan ni Harold (Keempee de Leon) nang magtagpo sila ni Frida. Sa bandang huli, malalaman nina Harold at Jonathan na namatay sa isang aksidente ang asawa ni Frida at ang ulo ni Jonathan ang gusto niyang ikabit sa katawan ng kanyang mister. *** Nakikiramay kami sa mga naulila ng S-Files researcher na si Melanie delos Reyes. Sumakabilang-buhay kahapon (2:00 a.m.) si Melanie sa ICU ng MCU Hospital sa edad na 29. Ipinagluluksa ng pamilya ni Melanie at ng buong staff ng S-Files ang kanyang maagang paglisan. Noong Linggo, nagkaroon ng maigsing tribute kay Melanie ang S-Files. Hindi napigilan ni Paolo Bediones na mapaluha dahil si Melanie ang researcher na nakatoka sa kanya sa loob ng walong taon. Apat na araw na comatose si Melanie dahil masama ang pagkakabagok ng kanyang ulo nang malaglag siya mula sa pampasaherong jeep na sinakyan noong nakaraang Miyerkules. Pinatawad na ng mga magulang niya ang jeepney driver dahil aksidente ang nangyari. Sa ilang araw na pamamalagi ni Melanie sa ospital, nakita namin na tunay na kapamilya at hindi basta kasamahan sa trabaho ang turing sa kanya ng S-Files staff. Ilang araw nang mababa ang moral ng staff dahil sa nangyari pero ang sabi nga "The show must go on." *** Comments are welcome at jojogabinete@yahoo.com Source: Abante |