Nov 23
HomeLoginBrowseNewsTV SchedulePreferenceHelp
 

Matanda, nairita sa pagkanta ni Mariel

Matanda, nairita sa pagkanta ni Mariel

Author: Ogie Diaz
Column: May Ganu'n?

BLIND item: Bago ang lahat, may disclaimer muna kami, ha? Hindi pa namin nakikita ang diumano'y video scandal, kaya ang kuwento ng isa naming kausap ay mananatiling kuwento. At sana, 'di ito totoo.

Ang kuwento ng aming source, may itinatagong video scandal ang common friend nila ng isang band member na "starring" sa naturang video kung saan "nakikipag-churvahan" ito sa isang sikat na young actress.

Ano ang mga eksena?

"Hindi sinabi ng friend ko, eh. Pero malala raw! Hindi naman niya ilalabas. Sariling kopya niya lang daw 'yon, kaya ipagdasal na lang niyang 'wag mawala o manakaw ang cellphone niya or else, kakalat talaga 'yon.

"Nakakahiya naman sa pamilya ni ____ (young actress). "

Gusto n'yo ng clue? Eto. ..

Medyo "nawala kami sa aming sarili" nu'ng marinig ang pangalan ng band member na 'to. Kasi, kung siya man ang kumuha ng naturang video ay dapat siyang "pukpukin" para matauhan.

Gets n'yo?

* * *

"Juice ko, mare, alam mo bang nagpunta kaming apat (Pokwang, Valerie Concepcion at RR Enriquez) nu'ng isang araw sa Golden Acres para aliwin nga ang elders natin doon?

"Nakakalokah, you know what? When I rendered a song, 'yung Nandito Ako ni Ogie Alcasid, wala pa 'ko sa kalagitnaan, may mga matatanda na na nag-aaway-away. 'Yung isa, ang sabi, 'Ano ba 'yan, ang ingay-ingay!'

"Nakakalokah talaga, as in, maingay daw ako. Parang gusto akong pahintuin, eh, alam mo namang frustrated singer ako, debah? Hahaha! Ayaw nila akong pakantahin!"

Hahaha! Si Mariel Rodriguez talaga, karakter!

* * *

Parang "nega" naman ang dating ngayon ni Rufa Mae Quinto porke dinededma pa rin nito si DJ Mo sa Showbiz Central nu'ng Sunday. Parang nakikipagbati na si Mo, pero si Rufa Mae lang ang ayaw.

Juice ko, si P-Chi, madali namang magpatawad talaga ang lola n'yo, eh. Gano'n din si Mo. 'Pag nakakasakit ng damdamin, madali ring humingi ng sorry.

Tapos ng apology, gawa na naman ng panibago, kasi, madali lang sa kanya ang mag-sorry. Hahaha!

Anyway, "love-hate" relationship naman ang meron sina Mo at P-Chi, kaya magkakabati rin ang dalawang hitad na 'yan.

* * *

Nakita n'yo na ba ang mga sikat na stand-up comedians na sina Vice Ganda, Chokoleit, Ethel Booba at Pokwang na nasa isang entablado at nagpapatalbugan ng natatanging galing sa pagpapatawa?

Puwes, for the first time ay makikita n'yo na silang apat na magpapatawa on the spot.

As in, hindi scripted ang kanilang gagawin basta ang pagbabatayan lamang nila ay ang nasa video na ipapakita at gagawan ng sariling version.

Ikinuwento sa amin ito ni Vice Ganda at noon din ay natatawa na kami, dahil hindi namin maimadyin na ang sitwasyong kabibilangan nila ay "at stake" ang kanilang talent sa pagpapatawa.

Na-curious ka na rin ba? Puwes, watch ka na ng birthday show ni Vice Ganda, ang OTB: Ohhh. .. It's my Birthday sa Metro Comedy Bar, West Avenue, 9 p. m. , through the help of Beaulife Powertrim, Gluta Mega-Strength, Kopi Roti, Baang Coffee, Uno International at Rene Mejia Photography Studio.

Nagkakaubusan na ng tickets (P500), puwede kayong tumawag sa 0922-8398878 kung gusto n'yong bumili bago pa kayo manghinayang sa isang gabing punumpuno ng katatawanan, promise.

* * *

'Wag n'yong kalilimutang makinig sa Wow! Ang Showbiiiz! sa DWIZ 882 sa inyong AM station o 'di kaya'y listen kayo online, just log on to www. dwiz882. com, 11 a. m. -12 noon.

Source: People's Tonight