Nov 23
HomeLoginBrowseNewsTV SchedulePreferenceHelp
 

Matapos manganak, Angelika dela Cruz type makasama si Dingdong Dantes

Author: John Fontanilla
Column: Intriga

MATAPOS manganak, payat na ulit ang isa sa pinakamagagaling na aktres sa bansa na si Angelika dela Cruz.

Nakatsikahan namin si Angelika nang mag- guest siya sa SIS. Aniya, kailangang magpapayat siya para makabalik na sa trabaho.

Okey lang naman daw sa kanyang mister ang pagbabalik-showbiz. Tatanggap lang naman daw siya ng project na may three times a week taping at ang apat na araw ay gugugulin naman niya sa kanyang anak at asawa. Ilang buwan din daw siyang nagpahinga kaya na-miss niya nang husto ang pag-arte sa harap ng kamera.

Sa ngayon ay puro guestings pa lang sa iba`t ibang shows sa GMA7 ang pinagkakaabalahan ni Angelika habang nag-hihintay siya ng show na ibibigay sa kanya ng Kapuso network.

Sana raw ay makasama siya sa bagong prog-rama ng GMA7 na Stairway to Heaven na pagbibidahan ni Dingdong Dantes bilang Cholo kung saan ang role ni Nicole ang gusto niyang gampanan.

Para sa magaling na aktres ay very challen-ging ang role ni Nicole na kontabida/bida sa Stairway to Heaven.

* * *

TIPONG 'di na magbabago ng ugali ang isang pilyang young actress.

Muli na namang umi-ral ang kapilyahan nito sa taping ng isang TV teen show sa bansa.

Ang scene ay pabirong sasagihin ng mga daliri niya sa paa ang balls ng kaeksenang bagets.

Ang kaso, hindi lang sinagi ng mga daliri sa paa ng pilyang young actress ang balls ng bagets na kaeksena kundi umilalim din siya sa mesa at pinisil-pisil as in nilapirot ang balls ng more-nong bagets na nang mga sanda-ling iyon ay nagda-dialogue sa isa pang kaeksenang girl. Kaya naman biglang napasigaw ang bagets na naging dahilan para sumigaw din ng "cut!" ang di-rektor. Sino si pilyang aktres? Well, controversial siya ngayon at maihahalintulad ang kanyang apelyido sa isang reyna ng pelikulang Pilipino. Ang morenong young actor ay naman ay tunog-champorado ang apelyido . Yun na!

* * *

VERY talented ng isa sa mga cast ng Lipgloss na napapanood every Sa-turday 5 p. m. sa TV 5 na si Jessa Mendoza na ginagampanan ang role ni Carla na dating boyish na naging 100 percent girl.

Na-discover si Jessa nang sumali ito sa Talentadong Pinoy. Pinag-audition siya sa Lipgloss at nakapasa naman.

May singing talent si Jessa at sisiw sa kanya ang matataas na awiting katulad ng mga kinakanta ng Asia`s song bird na si Regine Velasquez, na isa sa mga paboritong mang-aawit ni Jessa.

Click din ang tambalan nila ni Zyrus Desamparado na kilala bilang Poknat sa Lipgloss .

Marami nga ang nagsasabing ang loveteam ng dalawa ang makaba-gong Maricel Soriano at William Martinez na sikat na sikat noong dekada '80.

* * *

AFTER magsalita tungkol tungkol sa mga pasaring ni Rosanna Roces ay mananahimik na raw muna si Lovi Poe.

Pinagsabihan kasi sila ng isang big boss sa TV5 dahil mag-ina ang papel nina Lovi at Osang sa Lipgloss na programa ng TV5.

Dededmahin na lang daw niya sakaling magpasaring sa kanya ulit si Osang at magko-concentrate na lang siya sa kanyang dalawang proyekto --- ang regular show niyang Lipgloss at ang sa Kapuso na Show Me The Manny with Manny Pacquiao, Marian Rivera, Ke-vin Santos at ang controversial na si Mommy Dionisia.

Source: Taliba