|
|
| Matinee idol Dingdong Dantes is not afraid to look stupid for a role![]() Author: Rose Garcia May acting workshop si Dingdong Dantes para sa kanyang primetime series sa GMA-7 na Stairway To Heaven kaya hindi siya nakarating presscon ng pelikulang Kimmy Dora nung lunchtime ng Thursday, August 13. Pero pagkatapos ng workshop niya kinahapunan din ay naglaan ang aktor ng ilang oras para makausap ang ilang entertainment press. Kasama ni Dingdong na humarap sa press ang direktor ng Kimmy Dora na si Joyce Bernal. KIMMY DORA. Para kay Dingdong, isang experience ang pakikipagtrabaho sa bida ng Kimmy Dora na si Eugene Domingo, lalo pa nga't bago para sa aktor ang comedy. Kuwento niya, "Kasi minsan may mga comedian na off-screen, hindi talaga sila nagpapatawa. Si Uge, on and off-screen, kung ano ang nakikita mo sa screen, yun din ang nakikita mo sa kanya off-screen. E, more than nine days din akong nag-shoot kasama siya. So, marami rin panahon to bond at marami rin siyang naituro sa akin." Bilang leading man ni Eugene, sa palagay kaya ni Dingdong ay kikilalanin si Uge bilang bagong Comedy Queen? "Basta ine-expect ko na it will elevate yung humor ng Philippine Cinema sa another level," sagot ni Dingdong. Something light, not necessarily a comedy daw ang talagang gustong gawin ni Dingdong. "Para may variety lang," sambit niya. "That's why nga nang bigyan ako ng chance to do it, something different lang sa ginagawa ko, e, talagang, kumbaga, tuwang-tuwa ako!" Medyo binago ang hitsura ni Dingdong sa Kimmy Dora. Nilagyan siya ng malaking nunal at iniba ang hairstyle niya. Okay lang ba sa kanya yun? "Oo, tingin ko, isa yun sa strength ko," aniya. "Hindi ako takot magmukhang engot, parang ganoon. And in fact, I enjoyed making fun of myself. In fact, very mild pa nga yun." Kung ibabase sa trailer ng Kimmy Dora, marami ang natatawa sa pool scene nila ni Eugene, kung saan hango sa Hollywood movie nina Julia Roberts at Hugh Grant na Notting Hill ang dialogue nila. Ayong kay Dong, "Yun yung sinabi ni Direk Joyce sa akin na, 'Uy, umayos ka! May pool scene kayo!' Kaso, matagal na niyang sinabi yun, so parang, 'Tuloy pa kaya yun?' Siyempre, kailangang paghandaan." May mga nang-iintriga dahil napansing wala si Dingdong sa poster ng Kimmy Dora. Ano ang masasabi ng aktor dito? "Napanood ba nila ang trailer? Lalo na kung mapapanood n'yo yung buong movie, maiintindihan n'yo kung bakit ganun yung poster. Siyempre, ayoko namang i-preempt!" natatawa niyang sabi. WORKING WITH KAPAMILYAS. Isang certified na Kapuso si Dingdong magmula nang pasukin niya ang showbiz. Pero dahil sa Kimmy Dora, nabigyan siya ng pagkakataong makatrabaho ang ilang stars at pati na ang staff ng Kapamilya network. Kumusta naman ang experience niya? "They are extra nice, kasi first time ko silang nakatrabaho, nakilala. So, parang ang ganda ng pakikitungo nila, ng welcome nila. I immediately felt secure, at home," sagot ni Dingdong. Isa sa mga prodyuser ng Kimmy Dora ay ang isang top leading man ng ABS-CBN--si Piolo Pascual. Tinanong ng PEP si Dingdong kung kumusta naman bilang producer si Piolo? "Sa pananaw ko, tutok na tutok," ani Dingdong. "Kasi, bihira namang pumunta ang producer sa every shooting day. Pero halos sa ilang shooting days ko, nandoon siya, nakikita ko siyang pumupunta." WORKING WITH DIREK JOYCE. Ang Kimmy Dora ang pang-apat na pagsasama nina Dingdong at Direk Joyce, kung isasama ang tatlong sunod-sunud na primetime series na ginawa nila sa GMA-7 with Marian Rivera--Marimar, Dyesebel, at Ang Babaeng Hinugot Sa Aking Tadyang. At masusundan pa ito ng Stairway to Heaven, kung saan si Rhian Ramos naman ang katambal ni Dingdong. Nae-excite pa rin ba si Dingdong na makatrabaho si Direk Joyce after all the projects nila in the past? "Yes!" bulalas ng actor. "It's actually a challenge on my part. At saka, naniniwala ako na marami pa siyang nakatago na pupuwedeng ilabas. At yung kanyang pagkatotoo, yun ang special sa kanya dahil yung pagkatotoo niya, yung kanyang personality at pananaw, nakaka-relate ang mga manonood sa gusto niyang mangyari. So, klaro ang gusto niyang mangyari at gusto ng manonood." Source: Philippine Entertainment Portal |