Nov 22
HomeLoginBrowseNewsTV SchedulePreferenceHelp
 

Matt Evans dedma sa relasyong Melissa Ricks-Jake Cuenca

Author: Chan-Chan Torres
Column: Eksenadora

PAILING-ILING lang si Matt Evans nang tanungin namin siya kung ano ang ko-mento niya tungkol kina Melissa Ricks at Jake Cuenca. Maugong na kasi ang usap-usapang may relas-yon na sina Jake at Melissa, pero mahigpit daw nila itong itinatago sa publiko.

"Ewan ko, sila na nga ba?" balik-tanong ni Matt na tila dedma sa isyung Me-lissa-Jake romance. Ayaw mang aminin ni Matt, pero halatang umiiwas siyang pag-usapan si Melissa.

Muli, tinanong namin si Matt kung apektado ba siya sa balitang sina Jake at Meliisa na.

"Hindi naman ako apektado, ah! Apektado ba ako? sambit pa ni Matt.

Si Melissa ang unang naka-loveteam ni Matt kaya hindi maiiwasang una silang na-link.

By the way, nagdiwang si Matt ng kanyang kaara-wan noong Oct. 22. Pero si-yempre, ibang- iba na nga-yon ang kanyang selebras-yon kesa nu'ng panahong nagsisimula pa lang siya bilang artista. Matatandaang sumali si Matt sa PBB Teen Edition at isa siya sa mga pinalad na mabigyan ng break at magagandang pro-yekto paglabas niya sa Bahay ni Kuya.

Sabi pa ni Matt, dinalaw daw siya ng napakarami ni-yang mga kamag-anak nu'ng mismong kaarawan niya. Si Melissa, naalaala ba siyang batiin?

"Oo, binati niya ako. "

Niyaya ba niyang lumabas ang aktres?

"May taping kasi siya that day, kaya hindi na ka-mi lumabas. Pero siyempre, naalaala niya ang birthday ko. "

Inaasikaso ni Matt ang kanyang US citizenship dahil gusto niyang mag-dual citizenship. As we know, Amerikano ang biological father ni Matt, pero sa kanyang stepdad na siya lumaki. Ito na rin ang kinilala ni-yang ama. Curious lang ka-mi, sakaling ma-grant na ang US citizenship niya, hahanapin ba niya ang kanyang tunay na ama?

"Ewan ko. Mahirap ka-sing hanapin ang taong ayaw magpahanap!" Na-kangiti, pero halatang may hinanakit sa boses ni Matt.

Ganoon? So, hindi na lang niya hahanapin ang tunay na ama?

"Baka kasi, may family na rin siyang iba, maging problema pa niya ako. "

* * *

CONSISTENT top-rater ang Lovers in Paris sa kabila ng ilang bagyong dumaan at humagupit sa ilang bayan natin. In fairness, habang tu-matagal, lumulutang ang ga-ling ni KC Concepcion (bilang Vivian). Ibang klase ang kilig factor nila ni Piolo Pascual (as Carlo) sa mga eksena.

Very Pinoy ang version na ito ng Lovers in Paris kaya hindi na kami nagtataka kung umabot sa 33. 9 percent ang rating nito.

Source: Taliba