Oct 13
HomeLoginBrowseNewsTV ScheduleStatisticsPreferenceHelpMessage Board

Matt Konserbatibo Virgin ang gusto

Sa kabila ng kanyang modernong kaanyuan, konserbatibong lalaki si Matt Evans. Inamin nito sa set ng Princess Sarah, bagong teleserye ng ABS-CBN na magsisimulang mapanood sa Nob. 12, na gusto niya sa isang babae ay yung virgin.

 

Matt Konserbatibo Virgin ang gusto

Angel Locsin

Column: Sanga-sangandila
Author: Veronica R. Samio

Sa kabila ng kanyang modernong kaanyuan, konserbatibong lalaki si Matt Evans. Inamin nito sa set ng Princess Sarah, bagong teleserye ng ABS-CBN na magsisimulang mapanood sa Nob. 12, na gusto niya sa isang babae ay yung virgin.

“Gift ito ng babae sa lalaking mapapangasawa niya,” na ang relasyon sa kapwa niya PBB housemate na si Olyn Meimban ay never naapektuhan ng loveteam nila ni Melissa Ricks, ka-partner niya sa maraming projects ng ABS-CBN, at maging dito sa Princess Sarah.

Nang tanungin siya kung virgin din siya, natawa na lamang siya at iniba ang usapan, idinako ito sa kanyang kulot na buhok at sinabi niyang itinuwid para sa kanyang role.

“Para maiba ang characterization ko ni Paul (Princess Sarah's farm boy friend),” paliwanag ng konserbatibong binata na hinding-hindi papayag mag-pose ng naka-briefs lamang sa anumang pictorial o kahit na sa mga komersyal na nagbabayad ng malaki sa mga ganitong modelo.

“Boxer's shorts lang ang kaya ko, at siguro topless pero ayaw ko ng naka-briefs lamang dahil nakakahiya, ang dami kong balahibo sa katawan.”

Sa maikling panahon na artista siya, malaki ang naging pakinabang ni Matt. Nakabili na siya ng sasakyan. Hindi man siya nakabili ng bagong bahay, nagawa niyang ma­paganda ang ka­ni­lang bahay sa Antipolo at yung bahay nila sa Project 4.

“Saka na yung bagong bahay, nag-iipon pa ako para makabili ng laptop,” sabi niya.

* * *

Samantala, sinabi ni Melissa Ricks na guma­ganap ng role ng maid sa dorm nina Princess Sarah, at isang kaibigan din nito, na kapag naka­usap niya ang girlfriend ng kanyang ka-loveteam na si Olyn, sasabihin niyang “Matt is all yours. All work lang kami ng boyfriend mo, wala kaming ibang relasyon.

“Kidding aside, okey naman kami ni Olyn, nag-uusap kami at naiintindihan niya na trabaho lang ang lahat,” dagdag pa ni Melissa na nilagyan din ng tuldok ang kanilang relasyon ni Matt sa pamamagitan ng pagsasabing hindi sila magkaka­debelopang dalawa.

Ang Princess Sarah ay pinangungunahan ni Sharlene San Pedro at mayro'ng malakas na supporting cast na binubuo nina Aiai delas Alas, Albert Martinez, Diether Ocampo, Carlos Agassi, Candy Pangilinan, Irish Fullerton, Eunice Lagusad at si Sheryl Cruz bilang si Miss Minchin.

* * *

Lalong na-inspire ang mga finalists ng Philippine Hair Diva Search nang makita nila ang mundong ginagalawan ng kanilang idolo na si Ricky Reyes. Kapag nagsipag sila at dinatnan ng suwerte ay puwede rin silang magkaroon ng isang napakagarang bahay na tulad ng tinitirahan nito sa Valle Verde 6.

Dinala rin sila sa mga opisina nito, sa Ricky Reyes Bldg. sa San Juan, Scripto Vision office and studio sa QC, Ricky Reyes Learning Institute sa Cubao (mayro'n din sa Quiapo) na napag-alaman nila na ginawa para maibahagi ni Mother Ricky ang kanyang kaalaman at blessings sa ibang tao. Nakita rin nila ang napakaraming salon nito sa malls at hotels na pawang sa kanya at hindi franchised.

Next week, tutulo ang laway nila kapag nakita nila ang napakagandang Golden Sunset Resort Inn and Spa na tinayo nito sa Calatagan, Batangas na dinadayo na ng mga turista.

* * *

Paanong di mao-overwhelm si Angel Locsin sa ABS-CBN eh pawang mga bigating aktor ang ipinapareha sa kanya.

Nauna na si Sam Milby sa Maalaala Mo Kaya. Si Piolo Pascual naman ang kapareha niya sa kanyang unang teleserye sa network nung Linggo, si Aga Muhlach naman ang nakasama niya sa That's My Doc.

Masisisi ba natin siya kung madali niyang nakalimutan sina Richard Gutierrez, Dennis Trillo, Robin Padilla sa iniwan niyang istasyon?

* * *

Paano mo masasabi na kinakatawan ng isang banda ang mga katangian ng produkto na siyang nasa likod ng pakontes na sinalihan nila? Sa kasong ito, ang Nescafé Soundskool 2007?

Ito kasi ang pamantayan na hanap ng mga taong bumubuo ng hurado sa nasabing paligsahan ng mga banda na ang grand finals ay magaganap sa Ultra sa Nob. 10.

Ganito raw kasi ang pamantayan nila nang piliin nila ang mga bandang Hilera at Effinboiche sa mga dalawang naunang pakontes ng Nescafé Soundskool.

Yung passion puwede nilang makita sa grupo. Hindi lamang naman kasi pagalingan sa pagtugtog ang dapat nilang makita kundi ang pagmamahal ng grupo at ang katuwaan na nalilikha nila sa kanilang ginagawa.

Yung warmth o init ng grupo sa kanilang pagtugtog baka maging evident din. Di lang kasi basta pagkalabit ng instrumento, pagkanta, pagtipa sa synthesizer at pagkalampag sa drums ang hanap nila kundi yung sining sa ginagawa nila. Suma total, hanap nila yung love ng grupo sa craft nila. Ito ay dagdagan mo pa ng husay hindi lamang bilang isang musikero kundi bilang isang grupo at malalaman mo na kung sino ang tatanghaling kampeon sa taong ito.

* * *

Para sa pagtatanghal sa Undas o All Saints Day ng Magpakailanman ay kasay­sayan ng isang lalakeng nagngangalang Rey Dante Agpawa na sinasabing nakararanas ng paranormal at nakakikita ng multo ang mapapanood.

Bata pa si Dan ay marami na siyang nakikitang pangitain tulad ng pagkamatay ng isang family friend na binaril o sinaksak ng 13 beses. Di siya pinaniniwalaan ng mga magulang nang ikwento niya ito at sa halip ay pinagalitan sa paghabi lang ng kung anu-anong kwento.

Ang gaganap na Dan ay si Alfred Vargas kasama sina Diana Zubiri, Justin de Leon, John Medina, Archie Adamos, Idda Yanez at JJ Zamora. Ang MKM ay hosted ni Mel Tiangco at direksyon ni Argel Joseph.

* * *

veronicasamio@yahoo.com

Source: Pilipino Star Ngayon