|
|
| Matulis talaga si Dingdong! Less talk, less mistakes?Author: Alfie Lorenzo BAGO ako makapag-react sa pag-iyak ni Marian Rivera sa presscon ng “Desperadas 2” ay nauna pang nag-react itong mga texters, na suspetsa ko naman ay alam niyo na kung saan at kanino galing, bagaman wala silang pangalan at numero lang itong nagrehistro sa bagong cellfone namin. From +639267543237 - Ano ang iniiyak ng malanding Marian, eh totoo naman siyang buntis? -E. Ernie 15 Dec. 2008, 19:59. From +639174636563 - Ano ba 'yang si Marian “palengkera” Rivera, may paiyak-iyak pa sa TV, imbes na maawa sa kanya, nabuwisit lang sa kanya ang mga reporters, pati ang pag-iyak palengkera pa rin - 16 Dec. 2008, 09:43. O, debah naman, kanya-kanyang eksena to grab the limelight! Si Karylle by merely smiling and not a single word, hayun at nakapag-paiyak! Si Marian Rivera naman, humagulgol sa Mona Lisa smile ni Karylle. Kaya kay Marian nasentro ang atensyon sa preskon ng Desperadas 2 at naagawan niya ng spotlight ang ibang co-stars niya! Desperate move raw 'yun ni Marian? Dinedma ng ibang mga baguhang reporters at mga naghahanap ng controversy ang salient points na ipinahayag ko during the crying session of Marian. What did I say? “Siguro like her, inisip niya na nagse-sex na kayo ni Dingdong”, to Marian. Marian cannot tell Karylle what to do or what to express when interviewed, same way Karylle cannot tell Marian not to cry when asked kung buntis nga ba siya. Karylle merely smiled when asked kung buntis nga ba si Marian? Karylle is merely adhering to the saying, “less talk, less mistake”. But for Marian, Karylle's silence meant her biggest mistake? Mas magugustuhan kaya ni Marian kung ang pinakawalan ni Karylle sa halip na ang mahiwagang ngiti niya ay explosive na: “Paano mabubuntis si Marian, eh ang liit naman ng dong ni ding, 'di abot sa baby house!”, eh tawanan pa siguro. Ang pinakamagandang sagot sana ni Marian Rivera sa tanong kung buntis nga ba siya ay, “Bakit ako mabubuntis, eh hindi naman kami nagse-sex ni Dingdong!” or “Wala kaming relasyon ni Dingdong!” Period. Unless nagse-sex na nga sila ni Dingdong, debah? To dispel all the rumors about Dingdong Dantes, I said: “Matulis talaga 'yang si Dingdong. Noon ay naanakan daw niya si Antoinette Taus, ngayon naman ay nabuntis daw si Marian - So what else can be blame or attribute to Dingdong na hindi naman tutoo?” Na hindi naintindihan ng ibang “baguhang reporters” or “reporters na per se ang hanap na news”. Kinumpirma raw namin ang pagkakaroon ng anak ni Antoinette Taus at pagbubuntis ni Marian? Gosh, mabuti na lang at si Jun Lalin eh may malalim na understanding na siya lang nakaintindi sa binitiwan naming maanghang na confirmations! Jun Lalin explained to us what other reporters understood (or misunderstood?) sa naging pahayag namin which was taken for granted and considered and regarded by them as mere grandstanding! Eh, 'di sige! God indeed has been good to me all these years. He does answer prayers and knows your needs. A few months ago, nasunog na ang aming microwave machine, pati washing machine namin broke down dahil sa dami ng labada? Thankful naman ako dahil bawas-kuryente rin 'yun, debah? Nung Christmas raffle ni Dingdong Dantes for the press ay nakakuha kami ng microwave machine. Dito sa GMA network Christmas party, isang washing machine naman ang nakuha namin. Dalawang household items na ibinalik ng Sto. Nino at mahal na Poong Nazareno sa bahay namin! Speechless ako as I looked up to the heavens! Isang maka-Marian naman ang humabol ng text message sa amin: From +639175208337 - Tito Alfie, good noon po, pakisabi kay Marian na huwag nang papatulan ang starlet na si Karylle na 'yan na sa tagal na sa industriya, eh wala talagang pag-asang sumikat. Naunahan pa siyang sumikat ni Marian na kelan lang pumasok sa showbiz. Dapat mag-concentrate na lang siya sa teatro - gusto lang niya magpakontrobersyal at sumakay sa kasikatan ni Marian. Puwede naman niyang sagutin ang tanong ng demolition squad ng The Buzz ng yes or no at 'di sa smile niya na malisyosa at nakakainsulto - nasa loob pala ang kulo ng 3 kings na 'yan, nalipat lang sa 2, eh nawalan na ng ethics. Ang layo niya sa sikat niyang nanay na si Zsa Zsa, ha! Thanks po. (Iha, sabi ng mga kampo ni Karylle, edukada ang anak ni Modesto Tatlonghari at 'di basta-basta pumapatol sa nonsensical questions!). Isang na-missed ng mga kuno-kuno eh mga matatalinong reporters. Nagkita sina Dingdong at Karylle sa Las Vegas. Binati ni Dingdong ang sweetheart at kasosyo sa mga negosyo ng “Hi, sexy Bench girl”. Dapat, unang tanong: Tama ba ang sinabi ni Alfie L. na pag nagkita kayo ni Dingdong sa Las Vegas ay sinabi niya sa iyo na “You're my one true love”? Ikalawang tanong: Nagpakasal na ba kayo sa Las Vegas kaya blooming ka pa ngayon instead na magmukha kang losyang dahil sa “break-up” kuno ninyo ni Dingdong? At dahil sa aura mo ngayon eh di naman pala tutoong nag-part ways na kayo ni Dingdong? Ganiyan ang mga sensible questions na dapat itanong. Hindi 'yung mga nonsensical questions na wala namang kaugnayan sa movie na pinapapreskon! Hay naku! No wonder hindi na umasenso ang showbiz news! At tuluyan nang namatay ang local movie industry. Source: Abante |