Nov 23
HomeLoginBrowseNewsTV SchedulePreferenceHelp
 

Maui Taylor demanding sa role

Maui Taylor demanding sa role

Author: Lito Mañago
Column: Hot Sources

MAITUTURING na first major project ni Maui Taylor sa Viva Films itong Tororot (Destierro) ni Direk Maryo J. delos Reyes after almost two years na hindi siya tumanggap ng anumang pelikula.

"Naging visible naman ako sa TV pero not that much," wika ni Maui nang makatsikahan namin. Nagkaroon lang daw siya talaga ng pagkakataong mangibang bansa at wala raw katotohanan ang balitang kaya siya nawala ng dalawang taon sa sirkulasyon ay dahil nag-asawa na siya.

"Ay naku, malabo pa 'yun. I'm not ready yet. Hindi pa sa ngayon. Nagkaroon lang talaga ako ng series of shows abroad, mga personal appearances.

"Kabi-kabila 'yung opportunities abroad. Sayang naman kasi, 'di ba? Sa hirap ng buhay, I can't afford to have no work. And my mom (Anette Taylor) can attest to that," paliwanag niya.

Early last year lang siya muling bumalik sa kuwadra ng Viva Films. At nagkataon namang may project si Direk Maryo J. delos Reyes. Kaagad daw siyang tinawagan ng Viva boss na si Vic del Rosario for a meeting.

"Pagbalik ko ng Viva, I was to do sana Ilusyon, pero that time parang hindi pa ako ready ulit to do sexy film yet, so binigay muna nila kay Jaycee Parker. Dapat 'yun 'yung first tambalan namin ni Yul," pagtatapat niya na isa nga sa dahilan ay napagod daw siya sa sunud-sunod na sexy films na ginagawa niya dati.

Pero itinanggi ni Maui na nag-demand siya ng role sa Torotot? Ang balita ay tipong namili raw siya ng role na hindi masyadong magre-require for her to bare or show some skin.

"Actually, it was direk Maryo who made me choose the role. Sabi niya, bagay daw akong Rita, bagay ding Marie. So sabi sa akin, bahala na akong mamili.

"Actually, Marie has a loves cenes with Andrew Schimmer. And 'yung Rita, 'yun 'yung walang masyadong love scenes. Dinagdagan na lang nila. So the role of Rita and Marie were equal. So direk gave me that option. So I opted for Marie," patungkol sa role niya sa pelikula.

So, walang isyu tungkol sa role?

"Walang ganu'n. Grabe 'yung role ng Marie. Kung mababasa ninyo lang 'yung script, grabe 'yung ginawa niya roon," pagtatapat ni Maui sa amin.

* * *

PAGKATAPOS ng Joaquin Bordado ay magpapahi-nga raw muna si Robin Padilla sa paggawa ng series.

Masyadong "nabugbog" ang action star sa mga delikadong stunt na ginawa niyang GMA series kaya magbabakasyon daw muna siya kasama ang asawang si Liezl Sycangco at mga anak nila bago nga simulan ang isa pang action series na Totoy Bato na pagsasamahan nila ng Pambansang Kamao na si Manny "Pacman" Paquiao.

"Isang malaking kara-ngalan para sa amin na kasama si Manny," banggit ni Binoe sa isang TV interview sa kanya. "Matagal ko ng kakilala 'yan mula pa nu'ng nagsisimula pa lang siya sa boxing. "

After his brief vacation with his family, aakyat na siya ng Baguio City para sa shooting niya ng Sundo with Sunshine Dizon at Rhian Ramos.

Tatapusin muna niya itong natanguang movie under GMA Films at tutulak naman siya to Australia para sa training niya sa Totoy Bato.

Kailangan ni Binoe na magpalaki ng katawan bago simula ang series na obra pa rin ni direk Carlo J. Caparas.

Ayaw pa nga sanang sabihin ni Robin ang tungkol sa Totoy Bato but he has no other recourse but to admit na may kasunod na ang Joaquin Bordado dahil mismong si direk Carlo na ang nag-announce nito sa live telecast ng pagtatapos ng Joaquin Bordado.

Samantala, Robin was handpicked by Comelec (Commission on Elections) para maging endorse ng Optical Map Reader (OMR), ang bagong teknolohiya na gagamitin para sa automation ng August 11 election sa Autonomous Region in Muslim Mindanao (ARMM).

Dahil isang Muslim convert si Robin, kaya hindi nahirapan ang mga taga-Comelec sa pagkumbinsi sa actor. Tutulong si Binoe to disseminate information para sa 2010 local and national elections.

"Gusto kong mabago ang imahe ng ARMM kaya tinanggap ko ito," sambit ni Robin sa TV interview sa kanya.

Robin was paid 2 million pesos para sa Comelec endorsement niya pero idinonate niya ang buong halaga sa Liwanag ng Kabataan Foundation kung saan magbe-benefit nito ang mga mahihirap na kabataan.

* * *

For comments, e-mail us at whaleshark ph@gmail. com

Source: Taliba