Nov 24
HomeLoginBrowseNewsTV SchedulePreferenceHelp
 

Maui at Jennifer, naghasik ng kalaswaan sa Cebu

Maui at Jennifer, naghasik ng kalaswaan sa Cebu

Author: Ruel Mendoza

Nanindigan si Maui Taylor na walang karapatan ang kahit na sino na kasuhan sila nina Jennifer Lee dahil sa ginawa nila sa isang Bikini contest sa Cebu kamakailan.

“Bilang depensa sa akin at sa mga kasamahan ko na sina Paolo Paraiso at Jennifer, hindi kami ang dapat na kasuhan, kasi mga panauhin lang kami sa show na iyon.

“Hindi po kami ang organizer o producer ng bikini contest na 'yon. Guest lang kami kaya wala kaming kinalaman doon. And the show started around 12 midnight na kaya Easter Sunday officially nag-start ang show at hindi na Black Saturday,” paliwanag ni Maui.

Reklamo nga raw ng isang pulitiko sa Cebu ay ang mga malalaswang mga bikini na suot nina Maui noong rumampa sila sa entablado.

“Doon lang namin nakita ang ipapasuot sa amin. Ako nga nagulat sa bikini.

Sobrang skimpy siya at nakakatakot na isuot talaga na walang patong.

“Hindi sa anupaman, pero kapag ganyang live na show kunsaan maraming tao, hindi ako nagsusuot ng mga sobrang nipis na bikini. Kaya nakiusap kami ni Jennifer kung okey lang na ang dala naming bikini ang isuot na lang namin. Pumayag naman sila.

“Ang naging problema lang ay mahangin talaga doon sa venue. Beach front kasi kaya malakas ang hangin at nililipad 'yung mga nakapatong na takip sa katawan namin ni Jennifer. Hindi na namin mapipigilan ang hangin, 'di ba?

“What's important lang is we did not wear anything inappropriate. It was a bikini show kaya naka-bikini kami. Alangan namang naka-long gown kami?

“At saka, we signed a contract na 'yun lang ang gagawin namin. Hindi kami nag-bold show doon. Walang naghubo't hubad sa aming tatlo tulad nang mga lumabas na balita. Bakit naman namin gagawin iyon, 'di ba? Alam namin kung paano mag-behave and we did not do anything wrong sa show na iyon!” say lang ni Maui.

Source: Abante