Nov 22
HomeLoginBrowseNewsTV SchedulePreferenceHelp
 

Maxene at Wendell, sangkatutak ang halikan!

Author: Ruel Mendoza

SI Wendell Ramos nga ang nagbinyag ng first kiss sa TV ni Ma­xene Magalona, sa Una Kang Naging Akin.

Kuwento ni Wendell, hiyang-hiya raw siya kay Maxene dahil kaibigan niya ang daddy nitong si Francis Magalona. Pero dahil nagiging professional lang daw silang lahat sa set, sinunod nila ang gusto ng kanilang direktor na si Joel Lamangan.

“Alam ko na first kiss 'yon ni Maxene sa TV kaya medyo inalalayan ko muna. Hindi ko muna siya binigla.

“Okey lang naman kay Ma­xene pero halat­a ko naman na kina­ka­bahan siya. Sinabi ko na lang sa kanya na pareho ka­ming mga artista sa show na ito at mga professio­nals kami. Noong mag-take naman kami, okey naman lumabas. Hindi naman daw halata na kinakabahan si Ma­xene,” sabi ni Wendell.

Sangkatutak pa raw na halikan ang gagawin nina Wendell at Maxene sa Una Kang Naging Akin.

“In time, matututo naman si Maxene. Alam ko na hindi pa siya sanay, pero I think she will get the hand of it. Noong araw din naman, dumaan din ako sa ganyang awkwardness. Pero kita n'yo naman nakabuti naman sa akin ang mga natutunan in the past.”

Source: Abante