|
|
| Maxene, nakiusap na huwag 'patayin' si Francis sa text!![]() Author: Rey Pumaloy NATUTUWA si Maxene Magalona sa paglabas ng Nescafe TV ad ng tatay niyang si Francis Magalona. Sabi ni Maxene, nakatulong 'yon para ma-boost ang spirit at energy ng kanyang ama, habang nagpapagamot ito sa sakit na leukemia. At dahil din daw sa commercial na 'yon kaya hindi masyadong naiisip ng mga tao ang pumayat na itsura ngayon ng tatay niya. “Salamat talaga at naipalabas ang commercial na 'yon. Ginawa ng daddy ko 'yon bago pa siya na-diagnose sa sakit niya,” sabi ni Maxene. Pag-amin pa ni Maxene, kinilabutan siya nu'ng una niyang napanood ang commercial ni Francis. “Kasi naman, after all these years at kahit malalaki na kami hindi pa rin nagbago ang itsura ng daddy ko. Ang bata pa rin niyang tingnan sa commercial na 'yon. “When I saw it, nag-download agad ako sa YouTube at in-upload ko sa blog ko. Ipinakita ko sa lahat ng friends ko 'yun. I'm so proud of my daddy,” sambit pa rin ni Maxene. Siyanga pala, nu'ng Linggo ng gabi ay kumalat na naman sa text messages na diumano ay namatay na si Francis. Siyempre, hindi natuwa ang mga kaibigan at pamilya ni Francis. Sabi nga ng big boss ng Eat Bulaga na si Malou Choa Fagar, ka-text pa lang niya si Francis nu'ng mga oras na 'yon, kaya nakakalungkot na may mga taong walang magawa at nagpapakalat ng ganu'ng tsismis. Anyway, nakiusap na rin si Maxene na huwag namang patayin ang tatay niya sa text, o tipong huwag itong paglaruan. At ibinalita nga ni Maxene na patuloy na gumaganda ang kondisyon ng tatay niya mula nu'ng magpa-chemo ito. Hinihintay na lang daw nila ang payo ng doktor kung kailan pwedeng ilabas ng ospital si Francis. Sabi ni Maxene, gustung-gusto na raw ng daddy niya na magbalik sa showbiz. “You know my dad, kating-kati na talaga siyang magtrabaho. Gusto na nga niyang lumabas, gusto na niyang manood ng movies, at mag-bowling. Gusto na niya kaming makasama sa mga ganu'ng activities. “Si daddy kasi, family na talaga ang focus niya. Pero, gusto na talaga niyang magtrabaho,” say na lang ni Maxene. Source: Abante |