Mar 17
HomeLoginBrowseNewsTV SchedulePreferenceHelp
 

Maxene says family slowly accepting Francis M's loss

Author: GMANews.TV
Column: Entertainment

Dalawang linggo matapos na mailibing ang mga labi ng yumaong Master Rapper na si Francis Magalona, handa nang magtrabaho muli ang kanyang anak na si Maxene Magalona. Sa katunayan ay nakapag-taping na si Maxene para sa bagong weekly series ng GMA 7 na SRO Cinemaserye, na magsisimula na sa March 26.

Nakapanayam ng PEP (Philippine Entertainment Portal) si Maxene pagkatapos ng kanyang one-on-one interview sa Showbiz Central noong March 22 kung saan pinasalamatan niya ang mga taong sumuporta sa kanilang pamilya noong pinagluluksa nila ang kanyang yumaong ama.

Ayon kay Maxene, unti-unti na raw nilang natatanggap na may kulang na sa pamamahay nila. Kung dati raw ay hinahanap-hanap pa nila ang presence ni Francis, ngayon ay nagagawa na nilang maging masaya dahil alam nilang yun ang gusto ng ama maramdaman nila kahit wala na ito.

"Lahat naman kami sa house, okey na kaming lahat," sabi ni Maxene. "It's not an easy thing for everybody, pero we have to accept it. And importante na lagi kaming nagkakasama ngayon and we all have time na for each other.

"Unlike noon na we are all busy at halos wala na kaming oras na magkita-kita, ngayon ibang-iba na ang naging arrangement namin sa house. Tulad nga noong magkaroon kami ng mass for Papa. After ng misa, we would all go out and eat sa ganitong restaurant and we would all reminisce about the things that Papa did.

"Nakaka-miss nga because si Papa, gusto niya parati kaming magkakasama kapag kumakain kami sa labas. Tapos he would joke around and make us all laugh. So ang mga inaalala na lang namin kay Papa ay ang mga happy times, at marami 'yon talaga."

PAPA'S GIRL. Nang mag-guest si Maxene sa SOP kahapon din, hindi niya napigilan ang maluha nang marinig niya muli ang boses ng kanyang ama na ini-introduce siya sa isang TV show noon. Natandaan niya na umiyak siya noong mga panahon na 'yon.

"I became emotional again when I heard Papa's voice. Yun kasi ang ginamit nila sa SOP. I really couldn't help but cry, kasi nga very memorable yung moment na 'yon for both of us.

"I know that Papa is happy for what is happening to me now. He knows na I will be doing a new show for GMA 7, which is SRO Cinemaserye. Nasa hospital pa si Papa that time at natuwa siya for me kasi alam niya na I will be acting again and it will be another mature role for me. Papa said na I will make him proud again.

"Sayang nga because hindi na niya naabutan itong new show namin. Nagpapasalamat ako sa mga taga-GMA 7 because they moved the airing date para lang ma-accommodate ang schedule ko. Kaya noong maging okey na ang lahat, I started working na and it was good for me. It somehow gave me something else to think about. It became a good therapy for me after what happened," ngiti ni Maxene.

RESPECT FRANCIS'S NAME. Pagkatapos ilibing si Francis ay may mga nakarating na balita sa Magalona Family na may mga gumagamit sa pangalan ni Francis para pagkakitaan ito. Nakiusap ang pamilya Magalona na sana ay respetuhin naman nila ang pangalan ni Francis dahil ayaw nilang masangkot ang pangalan nito sa anumang ilegal na gawain.

"Yun naman ang pakiusap namin sa mga taong ito. To respect the name of our father because Papa did so many good things to other people and to this country, huwag naman nilang sirain 'yon.

"Hindi naman kami nagagalit. Pero siyempre, hindi namin alam ang mga 'yan. They organized a show or an event na hindi kami aware, tapos may mga nagtatanong sa amin. Natural na nagugulat kami because we don't know that, tapos nagagamit pa ang name ni Papa. It's not fair and it's not right. Sana huwag naman gano'n.

"But nonetheless, we're very thankful sa maraming tao who really expressed their love and support sa family namin. We thank you all from the bottom of our hearts. Huwag silang mag-alala because we're okay now and we will never forget the wonderful things na ipinaramdam nila sa amin. It's good to know that Papa was loved by many and we all know that he will be loved forever," pagtatapos ni Maxene. - Philippine Entertainment Portal

Source: GMANews