|
|
| May-ari ng recording company imbiyerna sa pasaway na aktresAuthor: Joey Sarmiento Asar na asar ang management ng isang bagong recording company sa dating teenage actress na binigyan nila ng latest CD dahil hindi raw siya nakikipag-cooperate sa promotions. Active ngayon ang da-ting teenage actress sa mga kontrabida roles at siguro nga, dahil naghiwalay na sila ng husband na isang pulis sa America, kaya laging nasa bad mood ang hitad. At talagang dine-dedma ang promo scheds ng baguhang record label. Eh, paano nga naman ki-kita ang namuhunan sa kanyang CD kung tinatamad siyang mag-promote ng sari-ling CD? Binayaran naman siya ng record label kaya dapat ay hindi siya magreklamo sa true lang, huh! Kaya nga napapa-"wow" na lang ang executives ng recording label sa kanyang ugali dahil hindi nila akalain na ganito pala ang dating teenage actress. Sigurado, kung katabi lang niya ang mga kasama-han niya sa triplets ay maipapako siya sa cruz, este, krus ng hindi oras. Getz n'yo??? * * * It is very sad that there is a small group of people from the entertainment industry na nagrereklamo at nagpoprotesta sa pagkakahirang ng Malacañang sa ba-gong National Artists, kabilang na ang magaling na nobelista sa komiks na si Direk Carlo J. Caparas. Kahit ano pa ang kani-lang sabihin, kahit ano pang paninira ang kanilang gawin, kahit ano pang mga masasakit na salita ang kanilang ihayag laban kay Direk Carlo J, majority of the people, in and out of the showbiz world, are supporting him bilang isa sa mga 2009 National Artist. Ang totoo niyan, maraming Pinoy ang natulu-ngan ni Direk Carlo J, in one way or another, na ma-kapagtrabaho at magkaroon ng kabuhayan dahil sa kanyang mga proyekto sa pelikula, sa telebisyon at sa komiks. Libu-libo ang mga natulungan ni Direk Carlo J. para magkaroon ng kabuhayan at matulungan ang kanilang pamilya para maka-survive sa hirap ng buhay. 'Yun ang dahilan kung bakit napakaraming tao ang buong-pusong sumusuporta sa people's director dahil marami siyang natulungan at nasuportahan. "'Yan bang matandang producer na nagre-reyna-reynahan at 'yung baklang director na super-taray sa mga maliliit na tao sa produksiyon na nagpo-protesta ay may mga natulungan na bang mga Pilipino? Meron na ba silang nagawang proyekto na national ang scope? " Sana naman ay tumahimik na lang sila dahil puro lang sila eksena pero wala naman talagang natutulu-ngan dahil puro sila mga elitista," komento pa ng isang sikat na actor na ayaw nang magpabanggit pa ng pangalan. Maraming nasagasaang mga tao sa industriya ang ti-nutukoy na aktor na nakausap namin dahil sa kayabangan ng dalawang persona-lidad na ito kaya naman lahat ng kanilang nasaktan ay sumusuporta ngayon kay Di-rek Carlo J. Ang totoo niyan, lahat naman ng nominado sa hanay ng National Artist ay magagaling at may karapatan dahil hindi naman sila mano-nominate kung wala silang 'K' and we believe na panapanahon lang 'yan. Sa tagal na ni Direk Carlo J. sa industriya, ngayon na nga siguro ang kanyang panahon para mahirang bilang National Artist kaya 'yong mga nagre-react, sigurado, inggit lang sila!!! * * * Kinuha ng Glamlab pro-ducts ang services ng MYX VJ na si Iya Villania dahil sa pagiging bubbly, youthful at versatile actress, singer, host and model. Bagay na bagay ang kanyang personality sa products ng Glamlab like colognes, sanitizers and perfumes dahil sa positive characteristics ng mga produkto para sa teenagers and young adults sa panahon ngayon. Para sa mga hindi nakakaalam, Glamlab is a fast-growing brand na nagbibigay ng scent-sational and glamorous fragrances sa mga kabataang gumagamit ng personal care products. Sa totoo lang, ang raw materials ng Glamlab ay ga-ling pa sa international suppliers ng perfume industry na mostly ay sa Europe. "Their scents are really clean and fresh," say ng Ingliserang si Iya. "They have a pretty good variety of scents that I can use everyday. My favorite is Glamlab's Street Beat, which is interesting because it's the same title of a very popular '80s song. " Para naman sa boys, may advice si Iya: "For guys, it can be anything that smells fresh, clean and baby-like - just like the powdery scents of Glamlab's Samurai and Elixir 1. " Hmmm...hindi kaya biglang bumili ng Glamlab product si Paolo Contis niyan? Available ang Glamlab products sa selected kiosk shops and leading personal care stores all over Metro Manila, and is also open to franchise opportunities. Para sa mga interesadong mag-franchise, tawagan lang si Henry, 09169888869 * * * For reactions, please e mail mediatouch2000@yahoo. com Source: Taliba |