Nov 25
HomeLoginBrowseNewsTV SchedulePreferenceHelp
 

Meet Jake Cuenca's leading lady in "Palos"--Bangs Garcia

Her face was partly covered by her hair in the sitcom Let's Go, but Bangs Garcia is now ready to show her true face as she plays the leading lady of Jake Cuenca in Palos.

Author: Julie Bonifacio

Hindi pa man nagsisimula ang bagong taon, may bagong pasabog ang isa sa pinakamainit na male star ngayon ng ABS-CBN na si Jake Cuenca. Bukod sa sunod-sunod niyang mga tapings, sunod-sunod din ang mga isyu sa young actor.

May bago ring proyekto sa ABS-CBN si Jake, ang Palos sa direksiyon nina Toto Natividad, Erick Salud, at Trina Dayrit. Ang Palos ay unang pinasikat ni Bernard Bonnin, ama ni Charlene Gonzalez-Muhlach.

Bago rin ang leading lady ng young actor dito--si Bangs Garcia na dating taga-Let's Go at Gokada Go.

Ito ang nasagap na balita ng PEP (Philippine Entertainment Portal) mula mismo sa babaeng nali-link kay Jake na si Bangs. Kinumpirma ni Bangs na siya na ang magiging leading lady ni Jake sa bagong action-adventure drama series ng ABS-CBN na magsisimula na sa January 2008.

Nakausap namin si Bangs at tawa siya nang tawa tuwing babanggitin namin si Jake sa kanya.

Kasama rin ang dating partner at ang nababalitang ex-girlfriend na ngayon ni Jake na si Roxanne Guinoo sa Palos, pero mamamatay rin daw agad ang character ng young actress. Kaya papasok si Bangs sa buhay ng character ni Jake sa Palos. Ito na rin daw ang kumpirmasyon na bubuwagin na ang loveteam nina Jake at Roxanne.

So, posibleng mabaling kay Bangs ang pagtingin ni Jake.

"Okay naman po siya. Mabait naman siya," tukoy ni Bangs kay Jake.

What if ligawan siya ni Jake?

"Okay lang po. Matagal kami magkakatrabaho ni Jake. Magti-taping kami sa Macau," saad ni Bangs.

Hindi pa masabi ni Bangs ang chance ni Jake kapag niligawan siya nito dahil may kinatatakutan siya.

"Natatakot ako baka magalit ang fans ni Roxanane sa akin," sabi ng dalaga.

Kasali rin si Bangs sa bagong gag show ni Direk Edgar "Bobot" Mortiz, ang Banana Split. Ito raw ang female version ng dating gag show nina Direk Edgar, Christopher de Leon, Johnny Delgado, Al Tantay, at ang yumaong si Jay Ilagan na Goin' Bananas.

Sa December 21 nakatakda ang first taping ni Bangs para sa Banana Split, kasama ang iba pang mainstay ng show na sina Anne Curtis, Valerie Concepcion, at Mariel Rodriguez. Pero dahil nakakulong pa si Mariel sa Bahay ni Kuya, hahabol na lang siya sa mga susunod na taping.

Nabalita rin noon na kasali si Angel Locsin sa Banana Split. But at the last minute, hindi pinayagan ng Star Cinema si Angel para gawin ang show dahil medyo sexy daw ito for Angel. Mapapansin na pawang galing sa kabilang network, ang GMA-7, ang mga bida ng Banana Split--including Angel kung natuloy siya.

Mukhang intentional ang pagkuha ni Direk Bobot sa mga dating Kapuso stars sa Banana Split dahil ayon sa aming source, kinausap din nila si Cristine Reyes na isama sa show. Pero hindi natuloy dahil tinanggap na niya ang offer na makapareha si Robin Padilla sa Joaquin Burdado ng GMA-7.

Source: Philippine Entertainment Portal