|
|
| Mega, 'di nag-taping ng 'Sharon'Author: Mercy Lejarde SAYANG at wala ang dating frontman/vocalist ng bandang Rivermaya, si Rico Blanco, sa pre-listening event ng new single niyang Yugto under Warner Music Philippines. Disin sana'y natanong namin ito kung may susunod pang "yugto," as in, chapter ang nakaraan nila ni KC Concepcion, at kung ang nasabing awitin na kanyang kinompose at ni-record ay dedicated sa dalaga ni Mega Sharon Cuneta. 'Di bale, bibigyan naman daw ito ng solo presscon-cum-mini-concert. Sabi pa raw nito sa manager ng Warner Philippines na si Jim Baluyot at publicist na si Peachy Guioguio, "I can't wait to play the song live. " Yugto is Rico's most ambitious project to date and he bares his maturity and fearlessness in the song's mid-eastern-flavored chord progression intro that erupts into an anthemic ditty that bespeaks the complexity of human emotions. Aba, 'di ba, endorser ng Human si KC? Ikinonek pa rin daw, o! Hahaha! * * * AT dahil mugtung-mugto pa ang mga mata ng ermat ni KC na si Sharon Cuneta sa pagyao ng kaibigang si Rudy Fernandez, 'di muna ito magte-taping ng Sharon. Ibang klaseng magmahal ang isang Sharon Cuneta sa kaibigan, in all fairness. Replay ang Sharon this Sunday. Titled Mega Renditions ang musical episode with guests Sandwich band, Jed Madela, Yeng Constantino, Michael Angelo, Pokwang at Pooh. * * * IN all fairness uli, sa teaser ng Iisa Pa Lamang, first teledrama ni Gabby Concepcion sa ABS-CBN, puwede pa siyang leading man ni Claudine Barretto, ha! Oo nga't 40 something na si Gabby, pero 'pag pinagtabi-tabi mo ang Gabby, Claudine at Diether Ocampo, hindi nagkakahuli ang kanilang mga itsu (read: Itsura), sa true lang. 'Ika nga, wala sa edad ang itsura ng isang tao, tsuk!
MASAYA naman ang presscon ng My Monster Mom. Si Annabelle Rama ang nagpasaya, in fairness. 'Di mo aakalaing ang isang mahusay na komedyana pala ang walang kupas sa kagadanhan na esposa ni Eddie Gutierrez or Kokoy as we fondly call him. Sa teaser pa lang kasi ng My Monster Mom ay hahagalpak ka na sa katatawa. Wish nga lang ng yours truly ay magkaroon ito ng sequel na ang title naman ay Monster Mom Labs Kookie (referring to Kokoy or Eddie), na tipong Monster Mom Meets Cookie Monster. Winner, devah? Source: People's Tonight |