Nov 23
HomeLoginBrowseNewsTV SchedulePreferenceHelp
 

Mel, posibleng i-guest sa 'ESP'

Author: Mercy Lejarde
Column: Tell & Tell

DUMALO ang yours truly sa grand preskon ng pinakabagong suspense-drama sa telebisyon ng Kapuso Network - ang E. S. P. , na iere tuwing Huwebes ng gabi simula sa Pebrero 7, na timing naman sa Chinese New Year.

Sina Iza Calzado, Francine Prieto at Alfred Vargas ang mga bida rito sa panulat ni Jun Lana at sa direction naman ng batikang TV director na si Argel Joseph.
Bale itong E. S. P. ang kapalit ng programang Magpakailanman ni Mel Tiangco, na in fairness, ay tumagal din naman ng five years.

Since TV journalists ang mga role rito nina Iza at Francine, tinanong ng yours truly si Direk Argel kung mapapanood din ba si Mel Tiangco sa isa sa mga episode ng E. S. P. since siya rin ang director ng Magpakailanman.

"Ah, bakit hindi kung papayag siya? Siguro mabibigyan natin ng special role, kasi nga ang istorya namin ay magre-revolve sa network journalist, pero hindi namin siya puwedeng isama as TV journalist kasi nga sina Iza at Francine na ang gaganap du'n," eksplika ni Direk Argel.

Well, puwede rin naman sigurong gawing multo na lang, tutal katatakutan naman ang tema ng E. S. P. at sa pralala nito ay nakalagay ang mga katanungang. .. "nakarinig ka na ba ng tinig kahit walang ibang tao sa iyong paligid? Nakakikita ka ba ng mga taong namayapa na? At paano kung sa paggising mo isang araw, sila na ang makakasama mo araw-araw?"

Ngiii! Pero in fairness, ang Pinoy naman, kahit matatakutin, gustung-gustong takutin ang sarili sa pamamagitan ng panonood ng mga nakatatakot na film or show kaya for sure, swak at patok sa loyal Kapuso televiewers itong E. S. P. wanna bet?
* * *
KUNG nawala kay Mel ang Magpakailanman, hindi naman nawalan ng pag-asa ang isa sa 26K girls na si Carmina Rose Santos nang mawala rin sa ere ang Kapamilya Deal or No Deal dahil join ang biyuti nito sa Ms. Mandaluyong 2008 beauty pageant organized by the Kababaihan Kakaiba ng Mandaluyong (KKM) headed by First Lady Menchie Abalos, KKM founding chairperson Corazon Abalos and in coordination with the City Cultural Affairs and Tourism Department and the Liga ng mga Barangay.

Kalaban din nitong si Carmina ang isa pang dating 26K girl na si Diane Yanzki Pitcher Mumar.

Bale 26 girls din ang maglalaban-laban sa nasabing beauty pageant.
Sa launching ng nasabing beauty pageant sa Wack-Wack Golf and Country Club kamakailan, nasabi nitong si Carmina, a. k. a. Mimi, na medyo hawig din kay Carmina Villarroel, na she's hoping and praying na siya ang tanghaling Ms. Mandaluyong 2008.

She's hoping, too, na maibalik sa ere ang KDOND nila nina Kris Aquino at Banker sooner than soon. Ganito rin ang wish ni Diane Yanzki Mumar.
Ewan lang kung kukunin ni Menchie si Kris para mag-host or maging isa sa judges sa coronation night on Feb. 7 sa Mandaluyong City Gymnasium as part of the week-long celebration of the city's 63rd Liberation and 14th Cityhood anniversary.
* * *
DU'N naman sa mga gustong sumali sa Wheel of Fortune text promo, kailangan lamang na hulaan ang puzzle for the day at i-text ang tamang kasagutan.
To register, i-type lang ang WOF reg <name/age/gender/
address> at i-send sa 2366.

Araw-araw, isang texter ang mananalo ng P1,000 cellphone load at ng bonus prize for the day na maaaring umabot hanggang P100,000 depende sa cash amount na mapipili ng wheel.

Tularan n'yo ang fortune na na-gets ni Maja Salvador, may cash prize na, may brand new car pa. 'Yon lang and thank you.

Source: People's Tonight