Dec 05
HomeLoginBrowseNewsTV ScheduleStatisticsPreferenceHelpMessage Board

Melanie, Janina at Zara sa isang talk show

ABA, huwag isnabin, kahit pala assistant lang ang role ng ex-beauty queen na si Zara Aldana sa Wheel of Fortune ni Kris Aquino, maituturing din pala itong "important star" ng Kapamilya Network, ha! Heard kasi na hindi pinayagan si Zara ng mga bossing ...

 

Melanie, Janina at Zara sa isang talk show

Column: Tell & Tell
Author: Mercy Lejarde

ABA, huwag isnabin, kahit pala assistant lang ang role ng ex-beauty queen na si Zara Aldana sa Wheel of Fortune ni Kris Aquino, maituturing din pala itong "important star" ng Kapamilya Network, ha!

Heard kasi na hindi pinayagan si Zara ng mga bossing nitech sa ABS-CBN para mag-guest sa isang segment about beauty queens na bobita sa Ingles sa Kapuso Mo, Jessica Soho.

Tipong may plano yata ang Kapamilya Network na pagsama-samahin ang mga English-carabao beauty queens sa show na Boy and Kris, kung 'di man sa show ni Korina Sanchez o sa Sharon.

Isa na nga raw dito si Zara with matching Janina San Miguel on the side. Ewan lang kung makakasama rin nila si Melanie Marquez.

Naging markado ang pagkakatanggal ng korona ni Zara bilang Mutya ng Pilipinas 2007, na ang isa raw sa mga dahilan ay ang pagiging bobita nito sa wikang Ingles, kaya bale ito ang naging passport niya sa Pinoy Big Brother Celebrity Edition 2 at ngayon nga'y sa WOF.

Si Janina naman, fresh na fresh pa ang naging kasagutan sa Q&A portion ng katatapos lamang na Bb. Pilipinas beauty pageant, kung saan marami ang tipong lumubog, kundi man nahulog or nagtalukbong, sa kahihiyan para sa kanya.

Pero, win pa rin ang biyuti niya at naging Bb. Pilipinas-World 2008, in fairness.

Si Melanie naman, naging famous sa classic na linyang "thanks to my long-legged legs" nu'ng tanghaling Ms. International.

Classic din ang dialogue nitong. .. "Don't judge my brother, he's not a book!" kaya nauso ang "Melanism" Ingles ek.

Hmmm. .. carabao English beauty queens in one talk show? Yezzz, why not, coconut?

After all, ang carabao ay isa sa mga maipagmamalaki ng ating Lupang Hinirang. Kumbaga, sariling atin ito.

Kaya ang mga tulad nina Zara, Janina at Melanie ay tunay nating maipagmamalaki saan mang panig ng mundo, dahil sa taglay nilang kagandahan.

Basta huwag silang parang langaw na natungtong lang sa kalabaw, mas mataas pa sa kalabaw, tsuk!

"Ay, hindi po ako magiging ganu'n," sey ni Zara.

"Na maging langaw?" biro namin.

"No. .. that's not what I meant. I mean, it's not my cup of tea to become mapagmataas or maging mayabang. I'm always humble ever since," salag pa nito.

O, devah? Sinong may sabing bobita sa Ingles itong si Zara Aldana? May "always" na, may "ever since" pa, in fairness, tsuk!

Sa Boracay daw magbabakasyon ng ilang araw itong si Zara this Holy Week para makapag-practice nang husto sa wikang Ingles.

Marami nga namang foreigners at spokening dollar sa nasabing lugar tuwing Semana Santa. Oo nga naman. Harinawa, siyanawa, tsuk!

Who knows, baka magkita-kita pa sila roon nina Janina at Melanie?

If ever nga, baka sila rin ang magturuan kung paano magsalita ng tamang Ingles, devah naman, Ian F. ? O, siya...a blessed Holy Tuesday to all of us!

* * *

AY, paging nga pala Ben Chan of Bench, the grandson of yours truly named Joshua Raphael just graduated from kindergarten sa St. Paul Educational Center at gustong maging Bench underwear model like his favorite Sergio, a. k. a. Dingdong Dantes, kasi raw big bird na siya, tsuk!

Joshua is turning five years old on May 16.

Source: People's Tonight