|
|
| Melissa Ricks buntis?![]() Author: Beth Gelena MEDYO malusog ngayon si Melissa Ricks kaya napagkakamalan siyang buntis. Sa ASAP '09 last Sunday ay napanood namin ang young actress at nakakadismaya ang medyo "namumutok" nitong katawan na kitang-kita sa suot niyang sports attire sa segment ng bagong produktong inumin na ini-endorso nina Matt Evans, Rayver Cruz, Sam Concepcion at Alex Gonzaga. Dapat na sigurong may magpayo sa young star na magbawas siya ng timbang. Aba, maging sa katata-pos na Star Magic Ball ay marami ang nag-react sa suot niyang gown. Napansin din kasing parang may itinatago raw si Melissa sa suot niyang gown at mukhang pambuntis ang pagkakagawa. Hindi kaya in-love lang si Melissa kaya medyo nadaragdagan ang timbang? * * * SIGURADONG balik-Kapamilya si Robin Padilla. Contract-signing na lang ang kulang at gagawa na ito ng pelikula sa Star Cinema. Ayon pa sa aming source, may nakahanda na rin daw teleserye para sa actor. As soon na makapirma ng kontrata si Robin sa ABS-CBN ay pelikula raw muna ang unang proyekto nito. Tinanong din namin kung si Toni Gonzaga na nga ba ang makakapareha ni Robin sa next movie ng Star Cinema? Sana nga raw dahil ma-ging si Toni ay gustong maka-partner sa isang pelikula ang original na Bad Boy. * * * NAGKAROON ng dalawang gabing selebrasyon ang Malolos, Bulacan para sa kanilang Singkaban Festival last Sept. 12 and 13. Maraming artistang Kapuso at Kapamilya ang inimbitahan para sa natu-rang okasyon. Sa unang gabi ng seleb-rasyon ay Kapuso stars ang nagsipag-perform sa kasagsagan ng malakas na ulan. May nasagap pa kaming tsika na muntik nang hindi matuloy ang Kapuso nights sa Malolos Sports Complex dahil may nakuha umanong improvised bomb ang mga pulis. Ayon pa sa aming impormante, kung hindi raw agad nakita iyon ng mga pulis ay malamang na su-mabog ang naturang bomba habang nagpi-perform ang ilang Kapuso stars. The following night, na-ging maingat na ang mga awtoridad at siniyasat nang husto ang naturang venue at baka muling maulit ang insidente. Todo-higpit na sila sa mga taong pumapasok para manood. Wala pang lead kung sino ang nag-lagay ng improvised bomb. Palaisipan sa amin ang bagay na ito, dahil hindi isiniwalat ng pamunuan ng sa Singkaban Festival ang pangyayari. May aberya mang naganap, tagumpay ang celebration ng Singkaban Festival. * * * TAPOS na ang Adik Sa 'Yo kung saan isa sa lead stars sina Pauleen Luna at Dennis Trillo. Sa programang ito nagkaroon ng relasyon dalawa na napapabalitang hiwalay na. Marami tuloy ang nagtataka kung bakit ang bilis natapos ang relasyon ng dalawa? Dahil daw ba tapos na rin ang kanilang programang pinagsamahan? Ang akala ng iba ay mauuwi sa isang seryosong relasyon ang kina Pauleen at Dennis, kaya nagulat ang pamilya't mga kaibigan nila nang basta na lang ito natapos. Maraming speculations kung bakit nagbago ang pagtitinginan nina Pauleen at Dennis. Balita kasing may nakita nang iba ang aktor kaya agad tinapos ang ugnayan kay Pauleen. Ayon naman kay Pauleen, nagulat na lang siya at nadamay ang pangalan ng anak ni Jean Garcia na si Jennica sa relasyon kay Dennis. Giit ni Pauleen, kaibigan niya si Jennica at hindi totoong may kaugnayan ito sa break-up nila ni Dennis. Paliwanag pa ni Pauleen, nag-usap sila nang maayos ni Dennis at pareho nilang na-realize na hindi pa sila ng handang pumasok sa ser-yosong relasyon. Aminado ang dalaga ni Mommy Chat na naging close sila ng young actor nu'ng ginagawa ang Adik Sa 'Yo. Hindi rin daw niya akalain na magkakaroon sila ng special relationship ni Dennis at basta na lang daw nangyari 'yun. * * * TUMATAGAL ay marami ang nagkakagusto sa prog-ramang Florinda ni Maricel Soriano. Nag-uumpisa na raw kasi ang katatakutan na sinusundan ng mga ma-nonood ngayon. Ayon pa sa ibang viewers, nabibitin sila sa istorya ng Florinda. Marami kasing mister-yong ipinakikita at kung hindi nila susundan ang kuwento ay hindi nila maiintindihan. "Talagang susundan mo ang Florinda. Maging kaming mga manonood ay nag-iisip kung sino ba ang killer sa suspense-thriller na Florinda," ani isang avid viewer nito. Source: Taliba |