Nov 22
HomeLoginBrowseNewsTV SchedulePreferenceHelp
 

Melissa Ricks insists Jake Cuenca is just a friend

Melissa Ricks insists Jake Cuenca is just a friend

Author: Napoleon Quintos

Isa si Melissa Ricks sa mga aktres na naglaro sa Willie of Fortune segment ng Wowowee noong Sabado, October 3. Sa chikahan portion ng laro, kinamusta ng host na si Willie Revillame ang love life ni Melissa. Tinanong ng host ang studio audience kung sino ba ang nanliligaw sa young actress at ang lahat ay isinigaw ang pangalan ni Jake Cuenca.

Napangiti na lang ang dalaga nang marinig ang sagot ng audience at tinanong tuloy ng host ang Kambal sa Uma actress kung nanliligaw nga ba sa kanya si Jake. " Hindi po, magkaibigan lang kami, ha ha ha! We're just friends, come on! Totoo naman kasi!" ang natatawang sagot ni Melissa.

Pilit pang inalam ni Willie kung ano ang talagang namamagitan kina Melissa at Jake. Tinanong ni Willie si Melissa kung nagtetext ba sila ni Jake. " Minsan, nangangamusta lang. 'Hi! How are you?' lang," sabi ng dalaga.

Willie: Sinasagot mo?
Melissa: Oo. 'I'm fine. Thank you' Ha ha ha!
Willie: Ano sunod niyang sinasagot?
Melissa: Hindi ko na po natatandaan.
Willie: Kapag sumasagot ka daw sa text ibig sabihin interesado ka rin (sa tao)
Melissa: Ay, ganun?!
Willie: Sa isang araw, ilang beses kayo magtextan ni Jake?
Melissa: Minsan meron, minsan wala. Hindi ko naman po mine-memorize.
Willie: Ano ba ang type mo sa isang lalaki?
Melissa: Mabait, gentleman, ' yung matangkad! Ha ha ha!
Willie: Ano ba height ni Jake?
Melissa: Hindi ko po alam. (smiles)

Sa huling panayam ng ABS-CBN.com kay Jake ay sinabi rin nito na magkaibigan lang sila ni Melissa. Ayon sa primetime hunk, sa ngayon ay ayaw niyang magpadalos-dalos sa relasyon. Nilinaw din ni Jake na nagkataon lang na nagkita sila ni Melissa noong Sunday, September 27, kaya sila nakitang magkatabi sa ABS-CBN Sagip Kapamilya telethon. Bago pa ito, sa Star Magic Ball noong August 30 ay huling-huli sa mga photos ang pagiging close nina Jake at Melissa.

Source: ABS-CBN Interactive