|
|
| Melissa Ricks kaagaw ni Sarah kay RayverAuthor: Chan-Chan Torres Magka-date raw sina Melissa Ricks at Jake Cuenca sa Amerika? Ito ang lumabas na isyu kailan lang na agad namang nilinaw ni Melissa nu'ng makausap namin siya. "Magkakasama lang talaga kami nina Jake, along with Rayver (Cruz), Shaina (Magdayao), Ate Kitkat. Nandoon din sina Kim (Chui) at Gerald (Anderson). Si Gerald, kaibigan si Victor (Basa), si Victor, kaibigan si Jay-R, so nagkasundo kami to go to West Gate," depensa ni Melissa sa interview. Dagdag pa ng aktres, magkakasama raw sila sa iisang bus at sabay-sabay silang namimili ng gamit. Hindi na nagtataka umano si Melissa kung may ganito mga balitang lumalabas. "Eh, may sumagi lang sa balikat ko, nali-link na agad sa akin, di ba?" So, wala pang pormal na ligawan sa pagitan nila ni Jake? "Ayy, wala po talaga. Magkaibigan kami ni Jake and he is a nice person. " Eh, si Rayver? Sinasabing siya talaga ang pinopormahan ni Rayver at hindi si Sarah Geronimo. Ito umano ang dahilan kung bakit nagagalit daw sa kanya ang fans ni Sarah? Mabuti na lang at hindi siya inaaway ng fans ni Sarah, huh. "Kaibigan ko lang din si Rayver, hindi totoong ako ang nililigawan niya. Hindi rin totoo 'yung sinasabi nilang pumupunta si Rayver sa bahay namin. " Unfair man kay Melissa na sabihan siyang hindi raw niya siniser-yoso ang panliligaw ni Jake, eh, hindi naman daw kasi talaga nanliligaw ang aktor sa ngyon. Eh, bakit ini-intrigang nagbabad daw si Jake sa bahay niya? Hindi rin daw totoo ang mga intrigang 'yan. Alam ni Melissa kung kanino nanggagaling ang mga maling impormasyong ito pero aniya, ayaw na lang daw ni-yang patulan. * * * Impressive ang dating ni Carla Abellana sa amin. Siya ang mestisang anak nina Rey PJ Abellana at Rhea Reyes na gumaganap ngayon bilang Rosalinda sa pimetime slot ng GMA Telebabad. Napanood namin ang panayam kay Carla, talagang well-informed ang dalaga, bukod sa gandang taglay nito. Nagtapos na pala si Carla ng kolehiyo sa De la Salle University and she graduated Cum Laude, kaya naman ipinagmamalaki siya hindi lamang ng kanyang mga magulang kundi pati na ni Delia Razon, ang lola ng dalaga. Kahit bago pa lang si Carla sa showbiz, ini-intriga na agad ito. Inagawan daw niya ng trono sa pagiging prin-sesa ng Siyete si Marian Rivera? Parehong maganda, mestiza sina Carla at Marian, pero ayon naman sa opinyon ng ilang manonood, mas matapang daw ang dating ng Spanish features ni Ma-rian. Well, lagi namang may point of comparison 'pag may dalawang ipinagtatapat, 'di ba? Tila hindi naman nababahala si Carla sa isyung ito. In fact, cool na cool ang kanyang ina sa pagki-kuwento on TV kung paano nila unang nakita si Marian. Aniya, gandang-ganda raw si Carla kay Ma-rian, nilapitan pa nga raw sila ng aktres at ipina-kilala silang dalawa sa isang event na 'yun. Samantala, nagsimula na ang Rosalinda. Si Geoff Eigennman ang gumaganap na ka-sintahan ni Rosalinda bilang si Fernando Jose Altamirano. Marami ang nagsa-sabing guwapo si Geoff at bagay sila ni Carla, 'yan naman ang hindi namin kinikuwestiyon. Sa totoo lang, sa a-ming opinyon, may mas babagay pa sanang leading man para kay Carla. The kind of masculine appeal that will match her mestiza looks. Gaya nina Dingdong Dantes, Alfred Vargas, Sid Lucero at iba pa. Naku, ito ay opinyon lamang namin, baka may mag-react na naman di-yan. Eh, nariyan na 'yan, siguro 'pag gumawa na lang uli ng panibagong teleserye si Carla, mas babagay na sa kanya ang susunod niyang leading man. Source: Taliba |