|
|
| Melissa Ricks recalls her kissing scene with Jolo Revilla![]() Author: Philippine Entertainment Portal Bilang leading lady ni Jolo Revilla sa Agimat Presents Pepeng Agimat, aminado si Melissa Ricks na nakakaramdam siya ng kaba sa kanyang susunod na TV show sa ABS-CBN. Iniisip ng young actress kung kaya ba nilang pantayan ang success ng Tiagong Akyat na pinagbidahan ni Gerald Anderson.
Masayang ikinuwento ni Melissa sa PEP (Philippine Entertainment Portal) na di niya inexpect ang malalim na bonding na nabuo sa kanila ng mga kasamahan while taping Pepeng Agimat. "Sa amin ring mga artista, di namin inasahan na lahat kami magiging magkaibigan na parang magbabarkada. Kami ni Jolo, akala ko ang magiging working relationship namin ay magkatrabaho lang, di kami nag-uusap, nung una nayayabangan ako sa kanya but as days went by, naging magkakasundo kami and even with our staff, lahat kami nagbibiruan. Nung natengga kami sa Subic ng ilang oras, umikot kami sa Starbucks. Nag-bonding kami. Excited ako lagi sa taping ng Pepeng Agimat and sana mag-reflect siya sa show namin." Kinumpirma rin ni Melissa na may kissing scene nga sila ni Jolo dito.
Di itinago ni Melissa na nakaramdam din siya ng kaunting worries na baka hindi matanggap ng mga fans nila ni Matt ang pakikipagpareha niya sa ibang aktor. Mabuti na lang at suportado naman sila ng kanilang mga tagahanga kahit ipareha sila sa iba. Masayang ibinalita sa amin ni Mel na balik tambalan sila uli ni Matt sa bagong show na pagsasamahan nila uli ng ka-loveteam.
Naibalita na sa PEP kamakailan na magsismula na nga mag-taping sina Matt Evans at Melissa para sa kanilang pagsasamahang soap opera. (CLICK HERE to read related article) Pinagtatakhan ng marami kung bakit di na lang daw siya sinama sa episode ni Jake Cuenca sa Agimat at sila na lang ang pinagpareha. "Di ko alam, depende 'yan sa management kung kanino kami ipe-pair. Tiwala ako sa management na ipinareha ako kay Jolo kasi siguro may makikita silang chemistry sa amin. Ako naman kahit saan ako ilagay ng management and I'm happy with the Agimat team." Unit-unti ay nag-iiba na ng image sila Maja Salvador, Kim Chiu at Erich Gonzales. Bilang magkakasabayan, bukas din kaya si Melissa na magpa-sexy ng kaunti at gumawa ng mga mature scenes?
Source: Philippine Entertainment Portal |