|
|
| Mexican actor, bibisita sa 'PinasAuthor: Nitz Miralles Agad umalis sina Nadine Samonte, Maggie Wilson, at Francine Prieto pagkatapos i-present na kabilang sa tatlong makakalaban ni Marian Rivera sa Darna. Hindi sila natanong sa kanilang respective roles at sa kanilang mga hirap sa kanilang costume, lalo na sa kaso ni Francine bilang Babaing Tuod na from head to toe ang costume at may prosthetics pa. At least si Nadine, bilang Babaing Impakta, naka-contact lens lang at 'di naman yata mabigat ang pasang kakambal niyang impakto. Ang live na impakto ay ginagampanan ni Mura, na nakakatakot ang prosthetics at ayaw ipalapit ang press. May kanya-kanyang power ang mga babaing kalaban ni Darna. Si Maggie, bilang Babaing Linta, ay may kapangyarihang gayahin ang anyo ng sinuman. Si Francine, bilang Babaing Tuod, ay nauutusan ang mga puno't halaman para magdulot ng kamatayan; si Ehra Madrigal bilang Babaing Lawin na kayang utusan ang mga ibon na nagtataglay ng nakabibinging huni. Isa pang makakalaban ni Darna ay si Paolo Contis bilang si Kobra, ang kalahating tao at kalahating ahas at ang pinakamabagsik na makakalaban ni Darna. Isa-isa silang makikilala habang umeere ang Darna simula sa Monday, August 10. * * * With open arms na tinanggap ni Taguig City Mayor Freddie Tinga at ng siyudad ang 11th Cinemanila International Film Festival. Ang misis nitong si Kaye Tinga rin ang tatayong co-chairman at umaasa sila, kasama ni Cinemanila founding director Tikoy Aguiluz, na magiging long-term ang kanilang samahan. Thankful si Direk Tikoy na hindi in-impose ni Mayor Freddie na hindi palitan ng CineTaguig ang Cinemanila na dinemand ng ibang nag-host ng filmfest, kaya paiba-iba ng venue. Naka-schedule sa October 15-25 ang Cinemanila at 100 movies ang mapapanood sa sinehan sa Market! Market! for 10 days. Sa NBC Tent gaganapin ang awards night. Darating ang Mexican actor na si Diego Luna na napanood sa Y Tu Mama Tambien, Nicotina at Milk. Kumpirmado rin ang pagdalo ng writer ng Raging Bull at Taxi Driver na si Paul Schrader at may iba pang mga iniimbita. Si Dante Mendoza, Cannes Palme d'Or Best ang head sa Main Competition Jury at balita namin, ipalalabas sa Cinemanila ang controversial movie niyang Kinatay, pero wala pang date. * * * Kasama na sa cast ng Adik Sa 'Yo si Chynna Ortaleza na masayang makasama sa rom-com series ng GMA-7. Gagampanan niya ang role ng half-sister nina Jolina Magdangal at Jennica Garcia at makikilala ng huli sa fast-food center na kanilang pagtatrabahuan. Samantala, mamaya, malalaman na nina Karen at Stella (Beth Oropesa) na poor na sila at pati ari-arian nila ay kukunin na. Si Fatima (Eugene Domingo) ang sinisi ni Luigi (Joey Marquez) sa nangyari sa kabuhayan nila. Makikipag-bonding si Fatima kina Ruben (Dennis Trillo) at matitikman nito ang tinimplang lambanog ni Aling Caring (Luz Valdez) at plano niya itong i-market. * * * Sa All My Life, nag-sorry si Perry (Paolo Avelino) kay Romina (Kris Bernal), pero kay Jules (Aljur Abrenica) raw siya dapat mag-sorry. Source: People's Tonight |