Nov 23
HomeLoginBrowseNewsTV SchedulePreferenceHelp
 

Mexicans sa Las Vegas, nag-cheer kay Manny!

Author: Jojo Gabinete
Column: The Source

LAS VEGAS --- Pi­nanood namin sa Events Center ng Mandalay Bay ang historic fight nina Manny Pacquiao at Oscar Dela Hoya. Forty dollars ang presyo ng ticket at may VIP area para sa mga hotel guest.

Maraming Pinoy, Ame­rikano at Mexicano ang nanood sa apat na wide screen ng Events Center.

Nang ipakita sa screen ang pagdating ni Manny sa MGM Grand, nag-boo ang mga supporter ni Dela Hoya kaya nang ito ang dumating sa venue ng laban, nakatikim din siya ng ma­lakas na boo mula sa Fi­lipino audience.

Nagpalakpakan ang mga kababayan natin nang sabihin ng mga program host na bearer of Filipino dreams si Manny at nagtawanan sila sa statement na binigyan ng sikat na boksingero ng bagong meaning ang sa­litang “entourage” dahil sa dami ng kanyang mga alalay.

Eksaktong 8:13 pm nang magsimula ang boxing match at natapos ito ng 8:46 pm dahil sumuko na si Dela Hoya kay Manny.

Ramdam na ramdam namin ang tensyon ng mga Mexicano sa loob ng Events Center dahil pigil ang kanilang mga hininga sa bawat pagdapo ng kamao ni Manny sa mukha ni Dela Hoya.

Natawa kami sa ibang mga Mexicano dahil nang makita nila na natatalo na ni Manny si Dela Hoya, ang pangalan na rin ni Manny ang kanilang isinisigaw.

“Thank you for whipping us up,” ang sigaw ng isang Mexicano sa mga Pilipino na katabi niya sa upuan.

Natuwa kami sa mga Mexicano na lumapit sa mga Pilipino at naki­pagkamay, sabay sabi na great fighter talaga si Manny.

Nakuha ni Dela Hoya ang respeto ng mga Pi­lipino dahil sa magagandang salita na binitiwan niya tungkol kay Manny: “He's a great fighter. He deserve all the accolades” ang ilan sa good words ni Dela Hoya para sa mahusay na Filipino boxer.
***

Halos mabingi kami nang matapos ang laban nina Manny at Oscar dahil isinisigaw ng mga Pi­lipino ang kanyang pa­ngalan habang papalabas sila sa Mandalay Bay.

Pistang-pista ang atmosphere dahil sa matinding kasiyahan na nararamdaman ng ating mga kababayan. Hanggang sa Las Vegas strip, isinisigaw ng mga Pilipino na nakasakay sa kanilang mga sasakyan na nanalo si Manny.

Napangiti na lang kami nang marinig namin sa kahabaan ng Las Vegas Boulevard ang mga sigaw na “Manny won! Manny won!

Nabahiran ng lungkot ang katuwaan na nararamdaman dahil nang dumating kami sa aming hotel room, natanggap namin ang balita na sumakabilang-buhay ang young actor na si Marky Cielo.

Hindi pa malinaw ang tunay na dahilan ng pagkamatay ng Starstruck 3 winner. Reportedly, natagpuan ang bangkay ni Marky sa kanilang bahay.

As of presstime, nasa St. Peter Funeral Chapel ang kanyang labi.

Nakikiramay kami sa mga naulila ni Marky.

Sina Manny at Marky. Sila ang dalawang Pilipino na lumikha kahapon ng malaking balita.
***

Hindi naging sagabal ang injury ni Marian Rivera para hindi siya makasayaw sa dance concert nila ni Dingdong Dantes na ginanap sa Shrine Auditorium noong Sabado ng gabi.

Hataw sa pagsayaw si Marian kahit may plaster cast ang kanyang right foot kaya lalong na-appreciate ng audience ang performance niya.

Nakasakay si Marian sa wheelchair nang lumabas siya sa stage.

Naging mainit ang pag­tanggap kina Dingdong at Marian ng kani­lang mga tagahanga sa Amerika. Nakatanggap kami kaagad ng mga email mula sa fans nila na nagpahayag na sulit ang kanilang mga ibinayad.

Pormal na ibinigay kay Dingdong ng mga E! Executive ang award niya bilang pangatlo sa listahan ng 25 Sexiest Men of the World. Flattered and honored si Dingdong sa award na ipinagkaloob sa kanya ng E!

Source: Abante