|
|
| Mga anak ng marino, pag-aaralin ni DingdongAuthor: Abante NAGMISTULANG hotel ang Studio 7 dahil sa ginawang formal concept ng birthday special ni Dingdong Dantes, ang Dantes Peak na mapapanood sa SNBO sa Linggo, August 30. Mala-docu-variety type ang special, na kung saan sa opening number pa lang ay naging daan para maipakilala ni Dingdong sa tao ang kanyang pinagmulan at kung paano siya nagsimula at kung sinu-sino ang mga nakasama niya. Nagsilbi rin itong reunion with the Abztract Dancers at reunion din nina Angelu de Leon at Bobby Andrews on their T.G.I.S. days. Super bongga ang mga background at production designs ng show. Dito rin tila nagkaroon ng launching ang bagong tambalan nila ni Rhian Ramos for Stairway to Heaven. At dahil birthday special nga ito ni Dingdong, once again ay hindi dapat ma-miss ng mga Dongyanatics ang Dantes Peak dahil siguradong todo ang pagkakilig na mararamdaman nila sa question and answer portion ng dalawa at ang bonggang production number nilang Can You Read My Mind? Sayang at hindi namin naorasan kung ilang minuto rin ang kissing scene ng dalawa na mukhang nadala na sa ganda ng kanta or sa totoong napi-feel nila sa isa't isa, huh! Ang naturang special ay paglo-launch din ni Dingdong ng kanyang bookazine, ang kauna-unahang Yes Life Stories at ng kanyang Yes Pinoy Foundation na isa sa aim ay matulungan ang mga anak ng mga marines sa kanilang pag-aaral. Wala raw itong connect sa anumang political parties o kung eventually, plano rin ba niyang pasukin ang pulitika. “Well, eh 'di sana inilagay ko ang pangalan ko diyan, 'di ba? Pero hindi, eh. Malalaman naman nila 'yan. The intention is pure and sincere at hindi dapat bahiran ng iba pa man,” sabi na lang ni Dingdong. Source: Abante |