Nov 24
HomeLoginBrowseNewsTV SchedulePreferenceHelp
 

Mga biktima ng recession

Author: Rowena Agilada
Column: Timing

NAGTATAKA pero flattered at happy si Marian Rivera na pinagkatiwalaan siya ng GMA-7 para makasama ni Mike Enriquez sa isang special episode ng GMA News and Public Affairs.


Pinamagatang 'Walang Pera?' gaganap si Marian bilang Juana dela Cruz o papel ng iba't ibang biktima ng recession. Tatalakayin dito ang impact ng global recession sa Pilipinas. Bakit nga ba ito nagsimula at paano ito matatapos?

Two days nag-taping si Marian para sa naturang TV special na mapapanood sa March 22 at 10:45 p.m.

Si Dennis Trillo naman ang kasama ni Marian sa Lenten presentation ng APT Entertainment. Titled 'Sugat ng Kahapon,' mapapanood ito on April 10 (Good Friday), 7 to 9 p.m. sa GMA-7. First time to work together nina Marian at Dennis sa first Lenten project ng aktres with APT, sister company ng Tape, Inc. Sa isang afternoon soap opera ng Tape, Inc. unang lumabas ang aktres, 'Sugat ng Puso.'

Samantala, ngarag-ngaragan si Marian sa taping ng 'Ang Babaeng Hinugot sa Aking Tadyang.' Mga dramahan at fight scenes ang kinukunan nila at abangan daw ang eksenang bubugbugin siya ni Dingdong Dantes. Mamaya sa 'ABHST,' hihingi ng tulong si Rado kay Homer na alamin kung sino ang lalake ni Proserfina. Magsusumbong naman si Jason kay Hera na may girlfriend na si Aris.

Source: Tempo