|
|
| Mga biktima ng sex maniac actor-politician lalabas na sa TVAuthor: Joey Sarmiento KUNG hindi magbabago sa pagiging sex maniac ang actor-politician na ito ng Mindoro, malamang sa kangkungan ito pupulutin. Aba, magmula noong 80s hanggang ngayong malapit na siyang magsingkuwenta at maging lolo, sobra pa ring manyak sa babae. Ilang tsiks na nabiktima niya sa kanilang lugar ang nagrereklamo. Kahit underage, biktima niya. Tatlong nagrerekla-mong parents ang nakausap namin na galit na galit sa actor-politician na ito at balak siyang sampahan ng kaso. As of press time, pinaplano na nila kung ano ang kanilang gagawin para siguraduhing sa kulungan ang bagsak ng manyak na ito. Dapat kalu-sin na ang tulad niya dahil baka makabiktima ng iba pang mga dalagita sa kanilang probinsya. Kailangan siyang mag-ingat dahil nagsumbong na sa isang TV network ang ilang menor-de-edad na na-biktima niya. Sumikat ang manyak na ito sa kanyang close-up smile, pero ewan lang namin kung makangingiti pa siya kapag nasa kulungan na at ide-devirginize ang kanyang wetpu ng mga mayor sa kulungan. Plano pang tumakbo sa higher position ang manyak . Pero dahil sa kael-yahan, kahit barangay ta-nod, hindi na ito mananalo! * * * AS of press time, ayaw pang magsalita ni Vice Ma-yor Herbert Bautista kung Mayor nga ang kanyang ta-takbuhing posisyon sa Que-zon City sa 2010 elections. Sabi niya, magpapa-press conference siya once na nakapagdesisyon na kung anong posisyon ang kanyang pupuntiryahin. Hinog na si Bistek para maging Mayor ng Kyusi. Matagal na niya itong pla-no, pero laging nauudlot da-hil sa pakiusap ng ilang friends sa politics na masasagasaan kapag tumakbo si-yang Mayor. Pero this time, panahon na para mapagsilbihan ang kanyang mga kababayan nang mas malawak bilang Mayor. Si Bistek ang nagwaging darling of the press sa naka-raang Star Awards for TV dahil sa kanyang pagiging bukas sa lahat ng mga nangangaila-ngan ng tulong, lalo na sa entertainment press. Isa rin si Bistek sa magagaling nating actors. Nagtataka kami kung bakit hindi siya nabibigyan ng break sa mga teleserye. Si Bistek na rin ang nag-sabing type niyang magkaroon ng regular soap sa TV. * * * SA June 26 unang ipapaki-ta sa publiko ang second batch ng Page Xclusive with Zara Aldana sa kanilang show sa Trinoma. Isa lang ang grupo sa guests ng Universal Re-cords sa event na ito. Pero sa July 4, solo nila ang show na gaganapin sa SM North. And from there, lilibutin nila ang lahat ng SM sa Metro Manila kasama na ang malls sa probinsiya. Magaganda at matatang-kad ang bagong batch ng Page Xclusive with Zara Al-dana at nakaiindak din ang kanilang bagong carrier single sa kanilang second CD under Galaxy Records. Kung maraming bagets ang napasayaw at napagiling sa kanilang signature dance na 'wave dance' noon, sigu-radong mas matutuwa ang mga bagets dahil mas maganda ang kanilang ipakikilalang dance step ngayon, kaya pakiabangan na lang po, okidoki? * * * FOR reactions please e mail mediatouch2000@ yahoo. com. Source: Taliba |