|
|
| Mga gamit, binawi ni Echo kay HeartAuthor: Nitz Miralles NAHIHIYA si Jericho Rosales kay Carmen Soo, kapareha niya sa Kahit Isang Saglit, dahil hindi masamahang mamasyal at mag-ikot ng bansa sa kabisihan. Babawi na lang daw siya at kung kailan 'yun, hindi rin niya masabi. Hindi nga makapagplano si Jericho sa birthday niya sa September 22, at malamang sa Malaysia siya mag-birthday dahil babalik sila roon para mag-taping pa. Sa Sept. 25 na ang balik niya rito at sa Sept. 27, aalis for Italy para sa show nila ni Ai-Ai de las Alas. Sa October 10 na ang balik niya at ang shooting ng Baler naman ang aasikasuhin. Isisingit din ang taping nila ni Kristine Hermosa sa Maalaala Mo Kaya at next year na ang soap at movie nila. Ready na raw silang mag-work together, in the same manner na ready na si Jericho to let go of ex-GF Heart Evangelista. "Windang lang ako for some time, pero na-realize ko na bakit ko ba pinahihirapan ang sarili ko? Malapit na akong maka-recover at maka-move on, but one of the hardest things is putting off the pictures. "Hindi ko naman itinapon, itinabi ko lang. Mahirap alisin ang mga bagay na naging importante sa 'yo, pero 'di pa ako ready magka-girlfriend uli," pag-amin ng aktor. Itinanggi ni Jericho ang isyung binawi niya ang ilang gamit na ibinigay kay Heart. Kinuha lang daw niya ang mga gamit niya at 'di niya alam kung bakit napag-usapan. Nag-isip ang press sa sinabi ni Jericho na may kinuha siyang mga gamit, pero saka na ito. Samantala, kailan lang nalaman ni Carmen na isa siya sa mga rason ng break-up nina Jericho at Heart na itinanggi nito. Baka ibang girl daw 'yon at nag-dialogue pa ng "I was kind of mad, nobody likes to be tagged a boyfriend stealer. " Isa mga sa eksena ni Carmen sa Kahit Isang Saglit na magpi-premiere sa Sept. 15, ay ang pagkanta niya ng 'Di Ko Kayang Tanggapin ni April Boy Regino. It took her three to four days to memorize the song which she finds cute and "maganda. " Source: People's Tonight |