|
|
| Mga isyung 'di na dapat pag-usapan sa 2008Column: Seen Scene SEEN: Batam-bata ang mukha ni Senator Bong Revilla sa mga billboard at poster ng Resiklo. Parang magkakasing-edad lamang sila ng kanyang mga anak na sina SCENE: Nasaksihan ng PSG (Pilipino Star Gossip Group) ang mahabang pila sa mga sinehan na pinagtatanghalan ng Enteng Kabisote 4. Kung magtutuloy-tuloy ang mahabang pila sa pelikula ni Vic Sotto, ito uli ang magiging top-grosser sa 2007 Metro Sa 2008, maaaring ang pelikula tungkol sa exploits ni Enteng Kabisote ang muling gawin ni Vic at may request ang Seen/Scene. Puwede ba na mag-compose ng bagong theme song para sa Enteng Kabisote? Hindi na pleasant sa tenga ang luma at tired theme song ng pelikula ni Vic. SEEN: Headline ng isang tabloid na ikamamatay ni Ara Mina kapag tinanggal ito sa Bubble Gang dahil tinanggap niya ang alok ng ABS-CBN para makasama ni Kristine Hermosa sa Prinsesa ng Banyera. Walang katotohanan ang pahayag ni Ara. Wala pang artista sa Philippine TV na namatay dahil nawalan ng programa. Kung talagang mahal ni Ara ang Bubble Gang, pinairal niya dapat ang kanyang loyalty sa GMA 7. Bubble Gang is GMA 7 and GMA 7 is Bubble Gang. Gaano katagal man ang paghihintay, tiyak na may magandang bunga ang pagiging loyal ng isang empleyado sa kompanya na kanyang pinaglilingkuran. SCENE: Pagmumultahin si Manny Pacquiao dahil no-show ito sa parada ng mga artista noong Lunes. Walang Manny na sumakay sa float ng Anak ng Kumander. Umabot daw sa P30 milyon ang budget ng pelikula ni Manny. Balewala ang penalty kay Manny ng MMFF dahil barya lamang 'yun kung ihahalintulad sa milyun-milyong budget ng kanyang pelikula. SEEN: Magkasama sa Greenhills noong December 23 si Jopay Paguia at ang kanyang boyfriend na si Joshua Zamora. Matagal nang nag-press release si Jopay na pupunta sa Nag-last minute shopping sa Shangri-la Mall sina Anne Curtis at Sam Milby. Naniniwala ang PSG na totoo at hindi tsismis na may unawaan na ang dalawa. SCENE: Headline ng isang tabloid na naaawa ang producer na si Mrs. Lily Monteverde sa direktor na si Joel Lamangan at sa mga artista ng Bahay-Kubo. Naiintindihan ng PSG ang nararamdaman ni Mrs. Monteverde dahil walang rating na ibinigay sa Bahay-Kubo ang Cinema Evaluation Board. Ito ang misteryo na aalamin ng PSG. Bakit walang rating ang pelikula? SEEN: Ito ang ilan sa mga isyu na hindi na dapat pag-usapan sa 2008. Mga showbiz issue na nakakasawa at nakakasuka na. Ang mga paulit-ulit na isyu tungkol kina Diether Ocampo at Kristine Hermosa, Oyo Sotto at Kristine Hermosa, Mylene Dizon at Paolo Paraiso, Dennis Trillo at Carlene Aguilar, Dennis Trillo at Cristine Reyes, Patrick Garcia at Jennylyn Mercado at Mark Herras, Ogie Alcasid-Regine Velasquez, Ogie Alcasid-Michelle Van Eimeren at iba pang recycled showbiz issues. (Hindi na rin siguro dapat pag-usapan ang tungkol kina Pops Fernandez and Martin Nievera, Jomari Yllana at Ara Mina, Direk Lino Cayetano at Bianca Gonzales, at marami pang iba. - SVA) Source: The Philippine Star |