|
|
| Mga kapatid sa 'tunay' na ama, type makilala si Marvin!Author: Ogie Diaz Humihingi sa amin ng tulong ang nagke-claim na tunay na tita ni Marvin Agustin para mailapit namin siya sa kanyang pamangkin na ang tunay raw na pangalan ay "Alvin Salcedo," pero "Cuyugan" ang nasa birth certificate nito, apelyido ng kinikilala nitong ama. "'Yung kuya ko, 'yun ang totoong tatay ni Marvin, hindi 'yung nakulong na nakalaya. 'Yung kinikilala niyang tatay ngayon, tito niya 'yon, kasi, kapatid 'yon ng tunay niyang ina, na third wife ng kuya ko, pero patay na 'yung mommy na 'yon ni Marvin. "'Yung kuya ko naman, may sakit sa puso, nasa Baguio siya ngayon kasama 'yung kuya ni Marvin doon. "Kasi, 'yang si Marvin, maliit pa lang nu'ng mamatay ang nanay niya. Eh, dahil nga medyo babaero ang tatay niya, kaya 'yung kapatid ng nanay niya ang kumupkop sa kanya. "Anim silang magkakapatid. Naghiwa-hiwalay sila. Pang-apat si Marvin. Pero 'yung dalawang sumunod sa kanya, hindi namin alam kung nasa'n. " Bakit gusto nilang makita at makausap si Marvin? "Wala naman kaming balak na manghingi sa kanya or what. 'Yung mga kapatid niya, gusto siyang makausap at makilala lang. "Kahit nga kung ayaw niyang naising makita ang kuya ko, okay lang. Ang gusto ng tatay niya, kahit sila-silang magkakapatid, magkakilala. "Tahimik naman na sa Baguio si Kuya, eh. 'Yung mga kapatid lang ang gusto, mag-reunion sila!" Hindi natin alam kung anong damdamin meron ngayon si Marvin, dahil siya naman ang nakaranas at nakaaalam ng buong kuwento. Depende na sa kanya kung paano niya itong haharapin o tuluyan na niya itong dededmahin? * * * Masyado nang bugbog sa publicity ang pag-feature ng latest dance craze, ang "Papaya Dance" ni Edu Manzano sa ABC Channel's "Good Morning America!" Kahit ang taga-ibang bansa, ginagaya na rin ang sayaw na 'to ni Edu. Feeling nga namin, dahil masyado itong pinag-uusapan, parang nabalewala ang pagdating dito ni Manny Pacquiao na nagdala pa naman ng karangalan para sa ating bayan. * * * "Mama, eto ang gagawin ko sa show, ha?" at inisa-isa na ni Vice Ganda sa amin kung ano-ano ang gagawin niya sa kanyang post birthday concert on April 11, 9pm at Metro Comedy Bar sa West Avenue. Tawa kami nang tawa sa mga naisip niyang gawin, lalo na 'yung labo-labo raw sila ng tsikahan on stage ng mga guests niyang sina Chokoleit at John Lapus (with DJ Durano & Ronnie Liang). At siyempre, naisip din ni Vice kung ano'ng "eksena" ang gagawin nila ng special guest niyang si Toni Gonzaga na "pinsan" niya sa "Maging Sino Ka Man. " Walang scriptwriter ang show, dahil gusto ni Vice, siya at ang ilang friends niyang stand-up comedians ang nag-isip ng konsepto at mga "kagagahan" sa stage. Presented by Renew Placenta in cooperation with Kopi Roti, UniSilver Time at Glutalife Glutathione ang "Ang Ganda Ko!. .. Joke!!!" For inquiries, you may text or call 0922-8398878. * * * 'Wag n'yong kalilimutang makinig sa "Wow! Ang Showbiiiz!" sa dzXL 558khz at maririnig din sa www. rmn. ph, 10:30-12nn. You may also text us, just type OGIE ON and send it to 2366 at kung nasa abroad kayo, 23661. Source: People's Tonight |